[ I L ] Math

412 28 11
                                    

#1220HunHanDay


***


Luhan's POV



"Usaaaaaaaa!"

"Baoziiiiiiiiii!"

"Usaaaaaa!"


"Baoziiiiii!"


"Usaaa- ARAY KO BEH" sabay naming sinabi ni Shomen dahil sinapak lang naman kami ni Dyo huhuhu satansoo talaga to.



"Mga gaga ano magsisigawan na lang ba kayo dito na parang di kayo nagkita ng sampung taon tapos ayaw nyo pa pumasok? Hoy gusto kong malaman niyo na late na po tayo" sabi niya sabay hawi ng bangs kahit wala naman siyang bangs. Ano nanaman kayang problema nito at nagsuplada na naman samin. Dire-diretso lang siya sa paglalakad patungo sa classroom namin.



"Sus alam naman naming pinagnanasaan mo si Prof Kim eh, oh ano wag kang tatanggi!!" Dire-diretsong saad ni Baozi. Aba! Kelan pa ito naging madaldal? Napatigil naman si dyo sa paglalakad at nilingon kami ng nanlilisik ang mga mata. 



"Aba hoyy--"akmang susugurin na kami ni Dyo ng may sumabat kaya napatigil siya sa pagsasalita.



"Bakit hindi pa kayo napasok?"


Napatigil kaming lahat sa biglang pagsalita ni Professor Kim. Naka-white longsleeves na tinupi hanggang siko tapos naka tuck in sa black slacks niya with his messy hair. Oh shet pak na pak. Tapos may hawak syang 2 libro sa kanang kamay nya. Akala niyo, teacher namin sya sa Sex Education pero its a No No. Teacher namin sIya sa Math. Ang lakas ng appeal ni Professor Kim. Kaya naman pala hindi mapakali ang itlog ni Dyo. 



"Papasukin na po sana namin kayo---ah ESTE pasukin nyo po ako--ESTE papasok na po kame. He.he.he" Napasapo na lang kami sa noo ni shomen. Tingan mo itong Satansoo na to. Ke landi landi. 



"Pumasok na kayo. Malelate na kayo sa klase ko." sabi ni Prof Kim habang patingin-tingin kay dyo. Hala totoo ba yun nakikita ko or namamalikmata lang ako?



"Opo." Agaran naming sagot. 


Pagkasabi namin nun ay agad na tumalikod si Professor Kim at naglakad patungo sa classroom namin. Grabe ang forn naman maglakad ni Prof. jeske walking forn. 



Nang mapadako ang aking tingin kay Satansoo, tulo na ang laway ng kwago niyo. 


Hinampas ko siya ng makapal na Websters Dictionary na dala dala ko. Agad siyang tumilapon sa sahig at biglang nagdugo ang ilong niya.  

Indubitable Love [HunHan FF]Where stories live. Discover now