[ I L ] Party 8.2

240 19 12
                                    

***


Luhan's POV




"AHHHHHHHH!"








Jusko Lord, kayo na po ang bahala sakin. Madami pa po akong pangarap sa buhay. Gusto ko pong sumunod sa yapak ni Pia Wurtzbach pero hindi na ata ito matutupad huhuhu. Napapikit na lamang ako. Inaantay kong lumagpak ang katawan ko sa malamig nilang sahig pero hindi ko yun naramdaman. Isang pares ng malambot at mainit na kamay ang naramdaman ko sa katawan ko.








Pagmulat ko ay nakita ko ang mata ni Sehun na punong puno ng pagaalala sakin. "Sabi ko naman kasi sayong ako na eh. Pano ka kaya kung wala ako dito?" Oo nga Sehun, pano na kaya ako kung wala ka dito. Na-fall ako pero buti na lang sinalo niya ko. Luhh.








Parang may nagwawala nanaman sa loob ng tiyan ko. Pamilyar ito pero mas matindi ito ngayon kesa sa noon. Juice colored kelan pa ba ako naging madrama sa buhay?










Matapos non ay binaba na niya ako sa sofa. Take note ah, bridal style ang pagkakasalo niya saken. Parang bagong kasal lang ah? Tapos diretso honeym-- okay wala akong sinabi.












"Diyan ka na lang muna baka mapahamak ka nanaman." Aniya at ginulo ang buhok ko. Tinanguan ko na lang siya.








Pagkalipas ng ilang minuto, natapos na din sa pagdedecorate sina Chanyeol at Sehun. Nagsidatingan na rin ang mga kaibigan ni Mrs.Oh at kasama na dun ang Mama ko. Nginitian niya ako at nakipag chikahan na din sa mga kumare nya. Ineentertain din ito ni Sehun dahil lahat ito ay Tita niya. ABA! MAGALING NGA ITONG SI SEHUN.










Sumilip naman si Chanyeol sa bintana at nagulat na para siyang nakakita ng multo. "Mama is here already! Sehun, hawakan mo yung cake. Luhan, ikaw yung magpaputok ng party poppers tapos pwesto ka dun sa may pinto then kayo po mga Tita pumwesto na po kayo sa gitna with Sehun." Pumwesto naman ang lahat habang si Sehun ay dahan dahan na lumalakad sa gitna at may sindi na yung kandila sa cake.








Binigay naman sakin ni Chanyeol yung party poppers. Ay grabe! Talagang paputok yung akin ha? HAHAHAHA.

Bumukas ang pintuan kasabay nun ay ang pagpapaputok ko at sumigaw ang lahat ng "HAPPY BIRTHDAY!"










Gulat na gulat naman si Tita at halos mangiyak-ngiyak na sa sobrang tuwa. Litaw na litaw ang ganda niya ngayon dahil suot-suot niya ang kanyang mga ngiti. Dahil sa sobrang saya ni Tita ay nabitawan na nga nito ang kanyang mga bitbit na prutas. Kawawang mga saging. Halos saging lang ang binili ni Tita eh hihihi alam na dis?










"Grabe! Wala akong masabi ngayon. I'm really out of words. Akala ko nakalimutan niyo na talaga ang Birthday ko. Thank you so much. Na-appreciate ko to. Mahal ko kayong lahat." Hindi na napigilan ni Tita ang sarili niya at napaiyak na habang sinasabi ito.








"Wala daw masabi pero may nasabi naman" hinampas ni Tita si Mama dahil sa pangaasar nito at nagtawanan naman kami. Grabe ibang klase talaga sila, parang mga bata pa din kung magtratuhan. Nakigroup hug na ang lahat. Humalik naman sa pisngi si Chanyeol at si Sehun na sabay pang binati ang kanilang Mama. Binati ko na rin ito at pinasalamatan ako.










Dun na nagsimula ang celebration ni Tita. Tuwang tuwa siya dahil sa wakas ay nabuo na daw silang magkakaklase. More like, reunion na ito sa mansyon ng Oh.




Indubitable Love [HunHan FF]Where stories live. Discover now