[ I L ] Explanations

267 15 13
                                    


***



Luhan's POV






Nagising ako at puro puti ang nakikita ko. Teka ano bang nangyari? Nasaan ako? Nasa langit na ba ako? Hala!?




Pumikit ako at pinagsalikop ang dalwang kamay ko. Lord kahit po sobrang bait ko please wag niyo po muna akong kunin. Madami pa po akong pangarap at hindi ko pa po kayang iwan ang mga mahal ko sa buhay. Hindi ko pa po nagagawang magpaalam sa mga hello kitty collections ko na ipinagkatago tago pa namin ng kapatid ko at magiging Miss Universe pa po ako kase nga ako si Pia Horsebach.




Nagulat ako dahil may humawak ng balikat ko kaya napamulat tuloy ako at paglingon ko dito, si Sehun.


Nasa clinic lang pala ako. 








"Gising ka na? Anong nararamdaman mo? May masakit ba sayo sabihin mo lang teka tatawagin ko lang yung nurse" Aalis na sana siya pero hinawakan ko ang kamay niya para pigilan siya. Napatingin naman siya sakin at yung mukha niya puno ng pagaalala.







"Wag na Sehun, okay lang ako"








Kumunot ang noo niya. "Ayan ka na naman eh, alam kong hindi ka okay"








"I am physically okay but emotionally not" Ayan napaengrish na naman tuloy ako. Ganito pala talaga nagagawa pag nagagalit ako no, nakakapagenglish ng wala sa oras. 








"Eggnog I'm so sorry, di ko naman talaga sinasadyang maghintay ka dun--" Pinutol ko siya sa pagsasalita dahil ayoko munang marinig yung tungkol dun. Nasasaktan na naman ako. 








"Sehun wag muna ngayon please. Gusto ko muna magpahinga kahit saglit lang." Tumalikod ako sakanya at pinakiramdaman kung anong gagawin niya. Naramdaman ko namang tumayo na siya para umalis. Narinig ko na lang ang pagsara ng pinto.









Lumingon ako sa pinto na nilabasan niya, umalis na nga talaga siya. Eh gaga ka pala Luhan eh, malamang aalis yun pinaalis mo nga diba.






Nagbukas ulit ang pinto at inaasahan kong siya yun pero yung nurse lang pala. "Oh gising ka na pala. Okay ka na ba?" Tanong sakin ng nurse at tinanguan ko lang siya.






"Bakit po pala ako napunta dito?"






"Hindi mo ba natatandaan?" Ayy malamang kaya nga ako nagtatanong eh tapos biglang ganun ang sasabihin niya sakin?? Okay kalma lang. Umiling ako kaya nagpatuloy siya sa pagsasalita. "Ang sabi sakin ni kuya pogi na nagdala sayo dito ay nahimatay ka daw" Nahimatay ako?? First time yun nangyari sakin shet. Ilalagay ko na to sa notes ko mamaya paguwi ko.



"Seryoso po ba kayo?" tanong ko na hindi pa din makapaniwala. "Oo naman. Nakasalubong ko nga pala si kuya pogi sa labas at binilin sakin na bantayan ka. Kumain ka ba ng umagahan?" Si Sehun ba yung tinutukoy nyang kuya pogi? Sus, pogi nga mangiiwan naman. Psh. 




"Hindi po." 

Indubitable Love [HunHan FF]Where stories live. Discover now