[ I L ] Issue

253 11 8
                                    

***



Luhan's POV






Hindi ako makapaniwala na unti unti ng nalulugi ang kompanya namin. Sa buong history nito, wala pa itong naitatala na nalugi kami dahil itong kompanya namin ay ipinundar pa ng aking Great-great-great-great-great-great-great-grandparents. Si Mama at Papa ang nagpapalakad nito. Pero ngayong wala si Papa sa kadahilanang nangibang bahay, si Mama na lang ang nagpalakad nito. 








"Anak sabi ko sa text sayo kanina na wag ka mabibigla diba?" Aniya.







"Kasi naman Ma, sino ba namang hindi mabibigla nyan diba?" Kahit naman sabihin niya na huwag mabigla, ay hindi ko pa rin mapigilan ang sarili ko.  





"May sasabihin pa ako anak, please wag ka talagang mabibigla. Wag mong paiiralin ang galit. Makinig ka munang mabuti kay Mama ha?" Tumango ako at tumingin sa mga mata niya. Nakikita kong nangingintab ang nga mata niya hudyat na naiiyak na siya. 






"O-opo ma.." Sht kinakabahan ako sa sasabihin niya. 








She inhaled one lungful of air then she stated: "Anak, I am no longer the CEO of the company. Habang nasa meeting kami ng mga Clients at Stockholders ng kompanya, sinabi nila na impostor daw ako dahil hindi daw ako yung babaeng nagpapatakbo sa kompanya. Nagpapanggap daw ako na si Mrs.Lu kahit ako naman talaga. In-explain ko sa kanila na ako talaga ang CEO pero ayaw nila akong pakinggan.  Habang palabas na ako ng meeting room, biglang dumating ang Papa mo na may kasamang babae at dun nya pinakilala ang bagong CEO ng kompanya. Ibig sabihin, iyon ang pinagpalit nya saken.Sinabi nya rin sakin ng harapan na isa akong walang kwentang babae at impostora. Anak, ibig sabihin wala na akong trabaho." Matapos nyang ipaliwanag sakin ay bigla syang napaupo sa sahig  at hinawakan ang kanyang ulo na tila nahihilo.







Agad syang dinaluhan ni Sehun at tinulungang makatayo "Tita?! Okay lang po ba kayo?" tumango naman si Mama at inalalayan siya ni Sehun.









Paano nagawa ito ni Papa? I mean, alam naman namin na may iba na siya kaya naghiwalay na sila pero bakit naman kailangang umabot pa sa ganito. Pinagmukha nyang tanga si Mama sa harapan ng maraming tao. Sa simula pa lang dapat sinabi na niya na, hindi na siya ang magpapatakbo ng kompanya pero hindi eh. Nag-iba ang tingin sa kanya ng mga tao. 











Lumapit ako kay Mama at niyakap siya "Mama naman eh! Sa tingin niyo po ba hindi kabigla-bigla yon? Bakit ganon? Sa dami daming pwedeng gumawa sainyo nun, bakit si Papa pa?" hinaplos-haplos ko ang likod nya para maramdaman niya na nandito lang ako palagi. Na kahit na sino man ang umapi sa Mama ko, ay handa akong ipagtanggol siya sa kahit kanino man. 









Sa sandaling ito, pinipigilan kong pumatak ang aking luha. Hindi ako dapat makita ni Mama na mahina. Kami na lang ni Baek ang tangi nyang pag-asa at masasandalan kaya kailangan niya ako/kami na makitang malakas.







"Alam na po ba to ni Baek?" Out of the blue kong tanong na syang tinanguan ni Mama. "Oo anak, alam na niya pero bakit kaya ang tagal ng kapatid mo? Sabay ko lang kayong tinext eh. " Nababuntong hininga ako at hindi na lamang sumagot.









Hinawakan ako ni Mama sa balikat at sinabing, "Papasukin mo muna si Sehun sa loob"  na siyang ikinagulat ko. Ibibigay ko na ba ang pinakaiingatan kong perlas?










"Mama?? Hindi naman po porket nalugi na tayo eh ibibigay ko na ang sarili ko kay Se--" Tinakpan ni Mama ang bibig ko.








Indubitable Love [HunHan FF]Where stories live. Discover now