***
Luhan's POV
Nandito pa din ako sa tapat ng pinto ng guidance office habang nakatulala, hindi makapaniwala sa nangyari. Yung feeling na tumakbo takbo pa ko para mahanap siya tapos eto din mangyayari sakin? Hindi ko pa rin nasabi sakanya yung mga gusto kong sabihin.
Halos mangiyak-ngiyak na ako sa mga nangyayari juice colored. Patulo na ang luha ko ng biglang tumunog yung radyo ni Manong Zitao sa aking harapan.
Nanghihinayang, Nanghihinayang ang puso koSa piling ko ay lumuha ka lang
Nasaktan lamang kita
Hindi na sana, hindi na sana iniwan pa
Iniwan kang nag iisa at nagdurusa
Ako sana ay patawarin na
Nananadya ba ito o sadyang nagkataon lamang? Umurong tuloy ang nagbabadya kong luha. Kainis naman kasi itong si Manong eh, ayan tuloy. Mageemote pa naman sana ako na pang Oscars eh ala wala na azar naman oh.
Nabalik ako sa realidad ng magbukas ang pinto at lumabas si Sehun na gulat ang mukha. Nagtaka siguro kung bakit nandito pa din ako kahit na sinabi niyang kumain na muna ako.
"Sehun" Lumapit ako sakanya.
"Diba sabi ko kumain ka muna?" Ugh. Bakit ba ang sungit niya? Meron ba sya? Naunahan nya pa ako ah? :O
Kumapit ako sa braso niya."Hindi pwede kailangan ko muna magsorry sayo"tapos nag pout ako. Omg sana gumana ito.
"Mamaya na" Ouch beh nasaktan ako dun.
"Pero-" Tinanggal niya ang kamay ko na nakakapit sa braso niya at akala ko ay iiwanan na niya ko dito pero hinawakan niya ang kamay ko."Tara na muna sa foodcourt samahan kita kumain okay?" Wala na din akong ibang nagawa kundi tumango at magpahila sakanya. Nasabi ko na ba sainyo na magaling sa hilahan itong si Sehun? Kung hindi pa, edi nasabi ko na HAHAHAHAHA.
YOU ARE READING
Indubitable Love [HunHan FF]
FanfictionINDUBITABLE LOVE, where Sehun and Luhan's love for each other is a true and genuine one. A love that can never be doubted.