[ I L ] Apology

177 12 0
                                    

***



Luhan's POV





Nagising na lang ako kinabukasan ng may nakakasilaw na tumatama sa mata ko. Litsi, ngayon pa nga lang ako halos makakatulog eh.




Flashback


"Para saan pa at naging magbestfriend tayo?" Nang bitawan ko ang mga salitang yun, pinipilit kong makatulog at mga isa o dalwang oras ay nakatulog nga ako. Pero akala ko dire-diretso na yon.





Bigla akong nagising sa hindi malamang dahilan. Parang hindi ako natulog dahil mulat na mulat pa ang mata ko. Tumingin ako sa orasan sa may bed side table at nakita kong 1:16 am pa lamang. Hindi pa ako nakakatulog ng maayos shete otso ou talaga.






Ilang paikot ikot pa ang ginawa ko sa kama habang nakatalukbong pa rin sa kumot. Hindi ko alam kung bakit hindi ako makatulog."Ugggh! Kainis naman" ilang ulit na ganyan ang sinasabi ko dahil naiinis na ako at hindi ko na ulit magawang makatulog.





Sa sobrang inis ko, initsa ko ang kumot ko at nahulog ito sa sahig. Pero narealize ko na isa nga lang pala ang kumot na gamit namin ni Sehun. Kukunin ko na sana ang kumot na nahulog ng hindi ko sinasadyang mapatingin sa mahimbing na natutulog na si Sehun. Kingina netong lalaking 'to tulog na tulog eh. Magigising pa kaya ito?






Lumapit ako ng konti sa kanya para makita siya ng maayos. Mga 4m ang pagitan ng mukha namin. Madilim din kase eh. Ahe ahe pano pa kaya pag si Professor Kim ang nandito edi hindi ko na nakita hihihi peace po!






Habang tinititigan ko ang mukha ni Sehun, hindi ko maiwasan na mapangiti. Mahabang pilikmata, matangos na ilong, mapulang labi at ang mahaba nyang...baba. Pfffft -- ANO BA ITO GALIT NGA KASE AKO ANO BA!





Hindi ko alam na ganito pala ka perfect ang hitsura ng bestfriend ko. Kaya hindi na ako nagtataka kung ang mga babae, binabae at lalaki ay maghabol sa kanya kasi pogi nga naman talaga sya. All in 1 package na 'tong si Sehun sa totoo lang.

Indubitable Love [HunHan FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon