[ I L ] Night Changes

346 22 11
  • Αφιερωμένο στον/ην namjafan
                                    

***



Luhan's POV



Nakasakay na kami ngayon sa Mercedes Benz niyang kotse, naks rits kid talaga. Sininghot-singhot ko ang loob ng sasakyan, ang bango kase. Yung amoy niya parang bubblegum na strawberry na di ko ma-explain. Si manong driver yung nagda-drive kase bawal pa siya dahil wala pa siyang drivers license.



"Tapos ka na ba sa pagsinghot? Baka pati kami ni manong dito madala na ng ilong mo ah?" grabe ang sama talaga nito sakin. Ano bang masama amoyin eh ang bango kase talaga. Pag ako nagkaroon ng kotse, mas maganda at mas mabango pa dito sa amoy ng kotse niya. Wow ha Luhan magaral ka muna.



"Ang kapal mo talaga"tiningan ko ang selpon ko at nakitang nagtext sakin si Mama. Asan na daw ako, nagreply naman ako sakanya at sinabing pauwi na with heart emoticon. Pagkatapos nun ay akala ko magiging tahimik na ang biyahe pero mali ako dahil ang daldal ni Sehun. Kung anu-ano ang mga sinasabing jokes na sobrang corny naman. Sinasamaan ko lang siya ng tingin pero tawa pa rin siya ng tawa sa sarili niya. Di ko ba alam kung may nakahain na mais kanina sa kinain namin at nilamon niya ata lahat yun.




"Pero eggnog, sorry sa mom ko ah? You know it's normal for her to act like that" tingnan mo to, tawa ng tawa kanina na parang siraulo tapos ngayon naging seryoso naman.





"Oo naman ano ka ba sanay na ko kay Tita" ngumiti ako pero biglang naisip ko na naman yung nangyare kanina sa kainan. Nagtataka kase ako kung bakit ganun ang naging reaction ni Tita.





Flashback


"Oh Luhan kain ng madami" lagay lang ng lagay ng iba't-ibang pagkain si Tita sa plato ko. Halos mapuno na nga ang plato ko eh, hindi na kinaya. Gagawin ata akong baboy ni Mom-ESTE Tita.





"Mom pls stop. Hindi yan mauubos lahat ni Luhan" nakakunot na sinabi ni Sehun kay Tita at hinawakan niya pa ang kamay ni Tita para patigilin sa paglalagay sakin ng mga pagkain.





"Kaya niya yan si Luhan pa! Diba dear?" binawi naman ni Tita ang kamay niya sa pagkakahawak ni Sehun at tinuloy lang ang paglalagay.





"Yes naman Tita. Di dapat tinatanggihan ang grasya" wala na rin akong nagawa kundi kumain na lang. Bahala na kapag na-impatcho ako at ma-ospital. Sagot naman nila ang bayarin eh MWAHAHAHA.Pero huwag naman sana. Ang beauty ko ay pang beauty pageant hindi pang hospital. HIHIHIHI.

Indubitable Love [HunHan FF]Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα