[ I L ] Passed Out

255 18 10
                                    


***


Luhan's POV




"Oh baby ginabi ka naman ata- teka anong nangyari sayo?" Alalang tanong sakin ni Mama at lumapit sakin. Nakatungo pa din ako at hindi ko magawang iangat ang mukha kong punong-puno ng luha. Feeling ko ang dugyot ko na.






Nakarinig naman ako ng pagbukas ng pinto galing sa taas at tingin ko si Baek yun. "Sis omg kamusta ang date niyo ni Sihon??" Pasigaw na sinabi sakin ni Baek hanggang sa makalapit siya pero natigil siya sa pagsasalita ng tumunghay ako at nakita niya ang pagmumukha ko. 






"Uhm hello? Sis?? Ikaw ba yan?" Kahit nanghihina na ako ay nagawa ko pa din siyang sapakin. 








"Ouch! Oo ikaw nga yan" hawak hawak niya ang ulo niya sa may banda na sinapok ko.







"Baby gusto mo ba magkwento?" Tanong ni Mama sakin pero umiling lang ako at niyakap siya. Niyakap niya ko pabalik at dahil dun ay nagsimula na namang tumulo ang mga luha ko. 







"Ma, ang sakit...ng boobs ko" Naipit kase sa sobrang higpit ng pagkakayakap sakin ni Mama eh.  Breast cancer na itu.








"Luhan, anak naman" tinanggal na ni Mama ang pagyakap sakin at nakahinga na ako. Biro lang. 






"Ayy ang kapal talaga ng kapatid kong to, feeling may boobs eh kasing flat lang naman ng pader" Inangat ko ang kamay ko at akmang sasapakin ulit siya pero tumahimik na din naman siya kaya di ko na tinuloy.







"Anak, magpahinga ka na lang muna okay?"







Tumango ako. "Sige po Ma" 


Indubitable Love [HunHan FF]Where stories live. Discover now