Chapter 15 - Red Hot

17.3K 838 665
                                    

Futhark

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Futhark.

20. August.
Friday, 10:30 am.
Coronado Chronicles Newsroom.

WALANG EPEKTO ang pandedemonyo ni Joyeuse kay Zweihänder. Ni hindi binigyan ni Zweihänder ng consideration ang alok ni Joyeuse na tulong sa paghahanap ng adviser.

"Eh, mahahanap rin namin si Mr. Right," natatawang sagot ni Zweihänder. Tumayo siya mula sa lamesa niya at naupo sa armrest ng couch na kinauupuan namin. Nakangisi siya't pinapanood kaming magkunwaring nagbabasa ng mga librong binigay ni Sir Lance.

"Anong inaaral n'yo?" tanong niya sa 'min.

Walang balak sumagot 'yung tatlo.

"Intro to Criminology po," sagot ko.

Saka lang nagsalita si Edward. Nagreklamo siya, "Hindi nagbigay si sir ng coverage ng exam! Hindi natin alam kung pa'no siya magbigay ng exam!"

"Then you better study the subject by heart," sabat ni Joyeuse, habang kalmadong nagbabasa sa kabilang dulo ng couch.

Nangasim si Edward sa narinig niya. May halong panlalait siyang bumigkas ng, "Do you even have the required EQ to tell people that?"

"Nakuuu, pag-aralan n'yong mabuti 'yung libro," pananakot ni Zweihänder. "Mahirap magpa-exam si Ginoong Sir."

"Naging prof n'yo po ba si Sir Lance?" tanong ko.

"Hindi, pero 'yung mga kakilala ko, kinukwento kung gaano siya ka-terorista. Si Excalibur naging prof si Sir Lance, tapos minsan 'yung exam daw nila cover to cover nung libro dahil lang may isa sa kanila na hindi nakapag-comply sa deadli—"

"Look, Zweihänder. I don't mean to be rude, but will you please shut up?" nakangiting pagsabat na naman ni Joyeuse.

Na-offend si Zweihänder, pero nandoon pa din 'yung mapang-asar niyang ngisi. "You don't have to fake smile if you actually want to be rude..."

Mabilis na nawala ang pekeng ngiti sa mukha ni Joyeuse, kaagad na napalitan ng normal niyang mapanghusga at aristokratang simangot. "Right. You're annoying. As hell. Don't you have anything to do?"

Kung nakaupo lang ako malapit kay Joyeuse ay baka nabusalan ko ang bibig niya, pero sina Edward at Laevateinn ang katabi niya at natulala lang si Edward sa kanya. Si Laevateinn, naghahanap ng pictures sa librong binabasa niya.

Hindi natinag si Zweihänder. Akala ko magagalit siya nang husto at palalabasin si Joyeuse ng Newsroom. "Tapos na kami sa mga articles at layout at naghihintay na lang kami ng printing. Wala pa akong klase ngayong umaga, nagawa ko na lahat ng assignments ko, so..." Nagkibit-balikat si Zweihänder at ngumisi.

Si Joyeuse ang sumuko. Sumenyas siya sa 'ming tatlo nina Edward at Laevateinn at nag-aya, "Boys, can I borrow 7 minutes of your time? Outside?"

••• GODSFORRENT •••

[Seven-Minute Semblance] GODSFORRENT & FIMBULWINTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon