FIMBULWINTER || Chapter 7 - How Do I Save a Life?

11.6K 679 619
                                    

Edward Dace

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Edward Dace.

6. September.
Monday, 3:14 p.m.
Coronado University Clinic.

I KNEW there's something wrong with Futhark. Alam kong may problema s'ya at alam kong matagal na n'ya kaming pinagtitiisan. Kasalanan 'to ng hinayupak na si Joyeuse. Parang tanga kasi, walang preno ang bibig at laging nakabakasyon ang konsensya.

Noong sinabi ni Sir Arthur na "We need to talk", 'matik nang si Joyeuse talaga ang may kasalanan at nagsumbong kanina si Futhark. Kahit na naaninag ko ang anino ng malasakit sa "Let's go!" ni drama queen, hindi maikakailang s'ya ang puno't dulo ng trahedya sa buhay ni Futhark.

Pumasok ako sa clinic. "Si Kiel Alf Gomez po?" tanong ko sa nurse.

She jerked her head towards the curtains. "Natutulog na."

"Thank you."

"Ah, wait. Kilala mo ba ang guardian n'ya? Unavailable ang contact number na nasa ID n'ya."

Lumapit ako sa table ng nurse at nag-isip kung may kakilala akong kakilala ni Futhark. Kilala ko ang pamilya ni Lae (nakatira pa nga kami sa bahay ng jowa ng kapatid n'ya), nakakausap ko ang mama ni drama queen, tapos kilala nilang tatlo si mama at si Macey at si Mistletoe.

Napagtanto kong wala kaming kaalam-alam tungkol kay Futhark. Ni hindi namin alam kung saan s'ya nakatira, kung kailan ang birthday n'ya, kung sino ang nanay at tatay—

Si Henrik Whitdur.

Sasabihin ko ba sa nurse na 'to na ang tatay ng iskolar ng masa ay ang may-ari ng channel GB6?

Paano kung hindi naman s'ya kilalanin? Paano kung may masamang panahon palang namamagitan sa kanilang dalawa? Sinong sasabihin ko?

"Kahit sino, family or close relatives?" tanong ulit ni nurse dudette. Perkele, pressure.

"Si ano po," I said, having an idea, "si Sir Lance Ducere po."

Tumango-tango si nurse dudette. "Ah, akala ko si Sir Lukas kasi s'ya 'yong nakita kong bumisita sa kanya—"

"Okay lang po 'yon. Kasama rin naman po namin si Sir Arthur sa—" I caught myself and coughed—"I mean sa department, kasi CAS si Fu, CAS si Sir Arthur, CAS tayong lahat."

Nag-bow ako. Sa sobrang hiya, lumabas na ako ng clinic at hindi na pinuntahan si Futhark. Naabutan kong nag-uusap sa gilid sina Joyeuse at Sir Arthur. Lumapit ako sa kanila.

"The nurse was a mean lady who pressured me into talking," I mumbled, standing behind Joyeuse. "What are you two talking about?"

"Futhark's taking a leave from the initiative," Sir Arthur said. "A week of rest should be enough."

"A week without Joyeuse seems fair and reasonable." I nodded. "Pero pa'no po 'yong lessons?"

"I'll talk to Mr. Fortes for his Martial Arts, but the rest of his professors agreed to let him have a mental health week."

[Seven-Minute Semblance] GODSFORRENT & FIMBULWINTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon