Chapter 20 - Anagram of Fate

14.8K 798 539
                                    

Futhark

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Futhark.

29. August.
Sunday, 1 pm.
Lance Ducere's Residences.
Monkshood Street.

HABANG NAKATITIG NANG MASAMA kay Sir Lance ay nabuksan ni Joyeuse ang kakaibang lock ng gate. I sensed that the glare was of distrust and annoyance, pero biglang naging smug ang ngisi niya.

"What do you mean by we'll need more of that trust?" tanong ni Joyeuse.

"Let's go," ani Sir Lance. Hindi na niya sinagot si Joyeuse at pinapasok muna kami sa bahay niya. Naka-itim na t-shirt lang si Sir.

Sa sala kami natigil. Malinis at maayos sa loob ng bahay. Presko't malamig din dahil mataas ang ceiling. Simple pero pangmayaman ang mga gamit sa loob. Meron din siyang alagang dalawang itim na ibon. Tingin ko raven ang mga 'yon. 'Yon din ang unang nilapitan nina Laevateinn at Fenrir pagpasok namin.

Naupo kami sa sala at inalok kami ni Sir Lance ng maiinom. "So... Tea, iced tea, orange juice, or softdrinks?"

"Coffee," sagot ni Joyeuse, na siyang nakaupo sa dulo ng couch.

"Orange juice," sagot naman ni Edward, na siyang nakaupo sa kabilang dulo ng couch. Naupo ako sa pagitan nilang dalawa.

"Good. Laevateinn, go buy some beer," utos ni Sir Lance at nagbato ng wallet kay Lae. Nasalo ni Lae ang wallet kahit hindi siya nakatingin, at habang hindi pa rin nakatingin ay binato niya pabalik ang wallet kay sir.

"I'm 17," sagot ni Lae habang nakikipagtitigan sa mga ibon.

Nagtaas ako ng kamay. "18 na po ako, at pwede n'yo rin po akong utusan, sir... Pero bakit po beer?"

"16 lang ako, sir dude," sabi ni Edward. "Ang tanging alcohol pa lang na natitikman ko ay 'yung hand sanitizer ng 7-Eleven."

"Alright, all of you are drinking water." Naupo si Sir Lance at nagde-kwatro. Napaayos kami ni Edward ng upo dahil parang Mafia boss kung kumilos si Sir Lance, lalo na't wala kami sa university. Ironic kasi dati siyang pulis.

Hinampas ni Joyeuse ang unan sa tabi niya. "Quit stalling, tell us everything we need to know. Now."

Tell us everything we need to know.

Ganoon ang ginagamit na linya ni Sir Lance kapag may tinatanong siya sa 'min kaya napipilitan kaming sabihin talaga kung ano ang dapat niyang malaman. Hindi naman effective kay sir noong si Joyeuse ang nagtanong.

"This whole thing about Edward Dace, Luciano Lukas, Arthur Lukas, Nicholas James, and my stupid brother is bothering me," dagdag ni Joyeuse. "And I need answers from you. They all seem connected to the..." Humina ang boses ni Joyeuse at napatingin siya sa sahig. Bakit siya nag-alinlangan sa sinasabi niya?

"Meron din pong sinabi si Luciano tungkol sa mga organisations, na may mga organisation na may balak pumatay sa 'kin kapag nalaman nilang buhay ako. O sa 'min, para damay-damay na't hindi lang ako ang nag-iisang naghuhukay ng libingan."

[Seven-Minute Semblance] GODSFORRENT & FIMBULWINTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon