Chapter 28: Fake Magical Wedding

213K 7K 778
                                    

XYRA

Napalingon ako dahil sa isang pamilyar na boses.

"Ano ba! Akala mo ba gusto kong sumali rito? Huwag ka na ngang maarte," sabi ni Akira kay Selene na hindi maipinta ang mukha. Tinawag ko sila. "Kasali kayo?"

Tumango si Akira. "Nahila kami rito," inis na wika niya. Pati si Selene, halatang naiinis din. Ang bawat team ay binubuo ng limang miyembro. Ang tatlong tao ay magbabantay sa paligid ng rider habang buhat ito ng isa pa. Magbabantay sila para hindi mahulog ang rider o para hindi makuha ang headband. Pwede ring sila ang kumuha ng headband ng kalaban. Apat na teams ang entry ng isang section. Ang iba naming kaklase ay sa ibang game sumali kaya naubusan ng participants sa calvary battle.

"Be ready, participants! The game will start in 10 minutes. Pumunta na kayo sa mga pwesto niyo," sabi ng referee, sabay pito. Pumasok na kami sa circle na napapalibutan ng magical runes na nakamarka sa lupa. Malaki ang circle dahil maraming participants. Lahat ng year levels ay kasali, at may tig-dadalawang sections pa. Ibig sabihin, tatlumpu't-dalawang teams ang nasa loob. Ang bilang ng tao sa loob ng circle ay lampas isang daan.

"Remember, no magic powers allowed in this calvary battle," sabi pa ng referee. Tila nag-aaway sina Selene at Akira sa isang tabi. May team sa pagitan namin kaya hindi ko marinig ang pinag-uusapan nila. Hindi nagsasalita si Clauss sa tabi ko. Kinalabit ko siya. Nakakunot-noong tumingin siya sa 'kin. Nahihiya talaga ako.

"Ano... Huwag na lang kaya tayong sumali?" nag-aalinlangang sabi ko sa kanya.

"Ngayon ka pa uurong?" he smirked. Napakamot ako sa ulo ko. Umupo siya sa harap ko nang patalikod kaya nagtaka ako. Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko.

"Ano ba? Hindi ka pa ba sasakay? Malapit nang magsimula ang game," inis na wika niya. Napakagat-labi ako. Ang bigat ko pa naman. Nahihiya ako. Napahawak ako sa mukha ko. Ang pula-pula ko na siguro.

"Bilisan mo na," inip na wika ni Clauss. Siguradong nakasimangot na naman siya.

"Suplado," bulong ko. Itinali ko na ang pulang tela sa ulo ko. Iba't-ibang kulay ng mga headbands ang nakikita ko. May ibang kasali na malalaki ang pangangatawan kaya nakakatakot. Tiyak na isang suntok lang, tulog na kami.

"May sinasabi ka?" inis niyang tanong. Napailing ako.

"Sabi ko, ang bait-bait mo. Lalo akong nai-in-love sa 'yo," nang-aasar na sabi ko. He hissed. Sumampa na ako sa balikat niya. Napahawak ako ng mahigpit sa ulo niya habang tumatayo siya. Ang tatlo naming kaklase ay nagsimula nang magbantay sa paligid namin ni Clauss. Ang isa ay nasa unahan at ang dalawa ay nasa magkabilang gilid at hawak ang mga paa ko para hindi ako mahulog. Kasama si Kyle sa taga-bantay namin. Ayaw niyang sumali pero kulang kami.

"Huwag mo nga akong sabunutan," asar na sabi ni Clauss. Ngayon ko lang napansin na nasasabunutan ko na pala siya. Niluwagan ko ang pagkakahawak ko sa ulo niya.

"Sorry," mahinang sabi ko. Hindi siya umimik. "Clauss, hindi pala ako marunong. Ano'ng gagawin ko?" tanong ko.

"Pwede ko naman silang takutin para ibigay sa 'yo ang headband nila," walang ganang sagot ni Clauss. Binatukan ko siya. Mananakot siya para manalo kami? Ang baliw niya.

"Bawal gumamit ng power," sabi ko.

"Alam ko. Bakit mo ba ako binabatukan? Pwede ko naman silang balikan kapag natapos na ang game," sabi ni Clauss. Seryoso ba siya? Ang daya naman niya.

"Umayos ka. Huwag kang madaya," sabi ko. Binatukan ko ulit siya. Ayos. Hindi siya makakaganti sa akin. Susulitin ko na ang pagbatok sa kanya. Napangiti ako sa naisip. Tiyak na hindi na maipinta ang mukha niya ngayon. Pinisil ko ang mukha niya. Nagreklamo siya. "Ano ba--!" Hindi na niya naituloy ang sasabihin dahil pumito na ang referee. Luminya na kami at itinigil ko na ang pagpisil sa mukha niya.

Wonderland Magical Academy: Touch of Fire (Cloak PopFiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon