Chapter 4

5.1K 93 2
                                    


Nakaupo sila ngayon sa tambayan nila. Siya ang nasa harapan at ang mga ito naman ay nakaupo habang titig na titig sa kanya.

"Explain." nakataas ang kilay na utos ni Ivelyn.

"Kung gusto mo pang sikatan ng araw." sabat ni Ethyll habang may hawak na Magic Flakes.

"At kung ayaw mong makalbo ng di sa oras." singit naman ni Sherry habang yakap ng mahigpit si spongebob.

Napabuntong-hininga siya at tumingin sa mga ito.

"Okay. Here's the whole story." Isinalaysay niya ang mga nangyari sa detention room at wala siyang itinirang kahit ano, pati ang first kiss niyang nanakaw ay sinabi niya sa mga ito.

Pagkatapos niyang magsalaysay ay tahimik lang ang mga ito kaya napakunot ang noo niya. They should be saying something.

"O, any reaction, violent reaction?" tanong niya sa mga ito. Nagulat siya ng biglang magsitayo ang mga ito sabay talikod sa kanya , akmang magmomonologue siya ng bigla namang humarap ang mga ito sa kanya at---

"HINDI NA VIRGIN ANG LIPS MO CRISSY !!!" sabay na sigaw ng mga ito. Dali-dali ring bumalik ito sa mga pwesto nito bago ang mga ito nagdrama.

"Ano Crissy, french kiss ba?" tanong ni Ethyll.

"Macchharrap baaaa?" nang-iinis naman na tanong ni Sherry.

Tumingin siya kay Ivelyn nag-aabang ng sasabihin. Nagtaas ito ng noo at mukhang ito lang ang may matinong sasabihin.

"Dapat turuan kang humalik, para sa susunod Crissy alam mo na ang tamang galaw kapag may ka lips to lips ka na." nanlaki ang ulo niya sa sinabi nito, akala pa naman niya matino ang sasabihin nito yun pala mas malala ang sinabi nito.

"Ano ba guys? Can't you see? He is an enemy!" naiiritang tugon niya. Ngunit tumawa lang ang mga ito. Sadist brats

"Ang sarap niyo talagang ipasok sa mental hospital, I'm sure bagay na bagay kayo roon."

"Hindi kami bagay roon Crissy dahil masyado kaming matalino sa kanila, unfair sa mga pasyente. So we'll just stick to this Godforsaken university." kontra ni Ethyll.

"You should sympathize with me guys, ako ang naagrabyado dito."

"Grabe ka naman Crissy, agrabyado agad? para namang ni-rape ka nun kung makaagrabyado si hunky fafa mo." Ethyll said with mischievous glint in her eyes.

"Ayos lang yun Crissy. Malaki ka na. Alam mo na ang tama sa mali. Sayang nga lang at wala kang experience humalik, mas exciting sana."dagdag pa nito.

"Bakit? Eh nung nagka- first kayo ni ano, di ba, nanigas ka?" sabat niya dito.

Namula na parang kamatis ang pisngi nito.

"P*tangina! hindi yun kasali!" na-iiritang sigaw ni Ethyll.

"Ows? Di nga? Kissing scene rin yun, ah."

"Aish!" natahimik ito.

"Sige, sige...kayo na ang may first kiss, ako nalang ang wala. Sige ipangalandakan niyo pa. Ikaw Sherry may idadagdag ka sa first kiss churva na yan?" Ivelyn snorted.

"Haha. Bitter lang Ivelyn?" Sherry said while laughing.

"Ivelyn, alam mo na kung sinong first kiss niyan, di mo kailangang tanungin. Si Mark-buwiset na yun." she said while rolling her eyes.

"Eh,...ahmm..hindi naman si Mark ang first kiss ko, eh." nahihiyang turan ni Sherry. Nagkatinginan kaming tatlo habang nakakunot ang noo.

"Eh, kung hindi si Mark na first boyfriend mo hanggang ngayon, sino? wala ka namang naging boylet before Mark di ba?"nagtatakang tanong ni Ivelyn.

ICES CLUB : CrissyDonde viven las historias. Descúbrelo ahora