I just dated Kathryn Bernardo

5.5K 75 3
                                    

I just dated Kathryn Bernardo

May taping sila nun ng GTB dito sa province namin. Palagi akong nandun sa set para makita lang siya. Ang ganda ganda niya kasi. Ang simple pa niya. At hindi siya isnabera sa mga fans na naroon. Pala ngiti, pala kaway. Parang hindi napapagod.

Isang araw nakita ko siyang walang body guard o P.A na kasama at sinamantala ko yun. Tumakbo ako papalapit sa kanya para sana magpa picture. Pumayag naman siya.

Yung simpleng litratong yun eh parang nanalo narin ako ng lotto kasi bukod sa makatabi ko ang ultimate crush ko, nagkaroon pa kami ng picture ng magkasama. Pero wala ng mas sasaya pa nang nagkaroon kami ng pagkakataong magsalo sa pagkain sa iisang lamesa ng kaming dalawa lang.

Tinanong niya kung saan may malapit na kainan sa place kung nasan kami. Dinala ko siya sa sikat na karinderya samin. Walking distance lang. Tanghaling tapat nag lakad kami. Walang ka arte arte. Kumain kami sa karinderya. Ang bait niya. Pala kwento. Pala tawa. Nakaramdam ako ng sparks sa kanya. Ay sino ba naman ang hindi. Kathryn Bernardo yun. Ayun after nun hinatid ko ulit siya sa set.

Nag thank you siya. At ang hindi ko kinaya ay nang halikan niya ako sa pisngi. Grabe! Ako na ata ang pinakaswerteng lalake sa mundo.

Hanggang sa...

Sa...

Napadilat nalang ako.

Yung aso ko nilalaplap na pala ang pisngi ko. Tangggggenaaa!!! Nananaginip lang pala ako.

Ayun hanggang tingin lang ako kay Kathryn sa set at natapos na't lahat lahat di man lang ako naka lapit sa kanya. frown emoticon

Hopia
2012
Other
FEU Silang



The FEU's Secret FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon