Musical dot ly

1.3K 13 0
                                    

Musical dot ly

- isang cellphone application kung saan maaari kang mag video ng may effects. Effects gaya ng mapapabilis ang galaw mo kasabay sa tugtog ng kanta.
- Isang cellphone application na pwede mong gamitin para sumikat sa social media.
- Maaari mo itong i-download sa Playstore kung android at appstore kung naka Iphone.

Kung gusto mong sumikat sa pamamagitan ng musically, sundin ang mga hakbang sa ibaba;

1. Mag musically ng labas ang suso. Marami na ang gumagawa ng labas ang cleavage. I-next level mo na para mas sumikat ka kesa sa kanila. Ilabas ang buong s*so at kung kaya pa ng apog mo, ilabas narin ang perlas ng silanganan habang nag vivideo.

2. Mag musically ng may lumalabas na usok sa bibig. Marami na ang gumawa ng video gamit ang vape. Itodo mo na kung gusto mong mas sumikat. Higupin ang usok ng tambutso saka gumawa ng musically kung ayaw mo naman, mag siga sa loob ng bibig para natural na ang usok mo, sunog pa bunganga mo.

3. Mag musically ng naka make up. Halos lahat ng sumikat ay naka make up. Itodo mo na ang iyo kung gusto mo silang kabugin. Mag make up ka ng parang si joker sa batman para one second famous ka agad.

4. Mag musically ng pabebe. Maraming na ang pabebe at pa twitums wag mo ng dagdagan utang na loob! Pero kung gusto mo silang talunin, mag musically ng umiiyak kagaya ng girlfriend ni Jimboy. Mag wala ka sa video habang kinakanta ang pusong bato.

5. Mag musically gamit ang kanta ni Scusta clee ba yun ah basta yung kantang bibeeh arigato arigato g*go! Kaso halos lahat gamit na yun. Kung gusto mo silang labanan, gamitin mo ang kanta ng gagong rapper para oldies. Lalo na yung kabit. Pak na pak yon!

Subukan lahat ng hakbang paniguradong sisikat kana, mukhang g*go ka pa! I-try na ang nauusong application ng mga famewhore. Isang pindot lang, matatamasa mo na ang kasikatang matagal mo ng inaasam!

Let's all sing the National Anthem of the new generation of Jeje Nation;

"Walang sinong makakaagaw sa trono ko
Akin na 'to (Akin na 'to)
Tinitira ko kalaban ko
Tinitira mo lagi bato (Lagi bato)
Wala ng naniniwala sayo dito
P*tangina mo (T*ngina mo!)
Sa lahat ng sinabi mo
Masasabi ko Arigato"

SteebJobs
2025
Other
FEU Tech

The FEU's Secret FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon