Sad Emoticon

1.1K 26 0
                                    

😭

BF: "Ano nanaman bang ginawa ko at inaaway mo ko?"

Dahilan kung bakit biglang tinotopak ang girlfriend mo. Upang hindi kana mahirapan pang mang hula. Mamili ka lang ng mga posibleng dahilan dito. Yun na yon pre!

A. May regla siya.

B. Naalala niya yung kasalanan mo two years ago.

C. May napanood siya o nabasa siya about sa cheating at iisipin niyang ginagawa mo rin yun sa kanya.

D. Nanaginip siyang may iba kang babae.

E. Badtrip siya sa ibang bagay at sayo niya ito ibinubuhos.

F. Kulang sa toot.

G. Gutom siya.

H. Kulang sa lambing kaya nagpapapansin.

I. Wala kayong ma-topic sa usapan kaya aawayin ka nalang niya.

J. Badtrip siya sa muka mo kahit wala kang ginagawa.

K. Bored lang siya kaya aawayin ka niya.

L. Naalala niya ex mo. At aalalahaning dati mong minahal ang ex mong yun at ang resulta, mababadtrip siya sayo.

M. Tagal mong mag reply.

N. Napapansin niyang medyo nag aayos ka ng sarili at magdududang baka may pinopormahan kang iba.

O. Napapansin niyang panay ang nood mo sa artistang babae at pag seselosan niya ito.

P. Di mo siya sinasabihang maganda. Kulang sa papuri at lambing.

Q. Di mo ni-like o di ka nag comment sa post niya.

R. Alam niyang di mo kayang ibigay yung mga bagay na nakikita niyang "relationship goals" sa fb at naiinis siya.

S. Bigla lang sumagi sa isip niya na may mga kaklase kang mga babae at feeling niya may crush ka sa isa dun.

T. Naistorbo mo siya sa pag mu-musically.

U. Naalala niyang may tinawag kang maganda two years ago at uungkatin niya ulit yun at pagseselosan.

V. Bigla nalang niyang mararamdaman na hindi siya enough para sayo. Maiinsecure sa sarili niya sa di malamang dahilan. Sasabihin niyang pangit siya pero nag aantay lang naman na purihin mo.

W. Mainit ang panahon. Mainit din ulo niya sayo kahit wala kang ginagawa.

X. Napapangitan siya sayo sa araw na yun o nagsasawa sa mukha mo.

Y. Di ka masyadong sweet sa goodmorning/goodnight message mo.

Z. Di siya kuntento sa sagot mo nang itanong niyang bakit mo siya mahal. Dapat kasi ang isasagot mo kasing haba ng baliktarang manila paper at may kasamang "ikaw ang pinaka maganda at sexy sa buong mundo."

master advicer
2011
Institute of Arts and Sciences (IAS)
FEU Manila

The FEU's Secret FilesWhere stories live. Discover now