Hindi nakapag hintay

3K 28 0
                                    

Hindi nakapag hintay

An open-letter for my boyfriend

"Mag hihintay ako"

Naalala mo ba ang salitang yan? Sabi mo mag hihintay ka hanggang sa ikasal tayo. Dalawang taon nalang hindi ka nakapag hintay. Well, hindi naman kita masisisi. Lalaki ka. Kailangan ng katawan mo yun. At limang taon ka ring nag hintay na ibigay ko sayo ang bagay na binibigay ng babae sa lalakeng minamahal nila. Pero akala ko naiintindihan mo 'ko. Akala ko kasi kahit wala nun mag ii-stay ka dahil simple lang, dahil mahal mo ako at mahal kita. Pero wala eh.

Iniwanan mo ako at sinayang mo ang lahat. Iniwanan mo ako dahil may nahanap kana agad na babaeng papalit sa'kin na handang ibigay ang pangangailangan mo.

Buti nalang tinuruan ako ng magulang ko na maging positive sa buhay at maging masaya sa kasiyahan ng iba.

Masaya ako na masaya kana ngayon Eiron. Masaya din ako dahil buti nalang at hindi ko ibinigay sayo ang tanging yaman na iniingatan ko dahil hindi pala ikaw ang tamang tao na dapat pag bigyan nito.

Alam kong meron paring lalake na marunong mag hintay. Yung lalaking deserving makakuha ng pinaka magandang regalo na maibibigay ko. smile emoticon

Shane
2009
Other
FEU NRMF


The FEU's Secret FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon