Salamat

1.4K 11 0
                                    

Salamat

Salamat dahil ikaw ay nariyan sa aking piling, sa tuwing ako'y nag-iisa sa isang tabi, Salamat dahil kasama kita sa lungkot at saya, at sa tuwing ako ay may problema,

Nagpapasalamat ako sayo dahil ako ay natuto, oo ako ay natuto dahil ang akala ko ay ikaw na. Ikaw na nagsilbing ilaw ko sa gabing tanglaw, ikaw na nagsilbing lunas sa sakit na aking naramdaman. Ngunit ikaw ay lilisan din katulad ng iba, umalis ka ng hindi nagpapaalam.

Salamat dahil ako'y iyong pinatahan, pinasaya at ako'y iyong minahal.

Salamat dahil ako'y iyong sinaktan at iniwan

Salamat...

L.O.
20**
Other

The FEU's Secret FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon