"Still into you" FEUST

1.2K 12 0
                                    

"Still into you" FEUST

"Meron akong nakilalang isang Babae wayback 2008 In-add ko sya sa Friendster kasi ang Ganda nya tapos ang hot nya. 26yrs Old na sya that time UST Alumna sya. Tapos ako naman Student from FEU 19yrs old lang ako noon. Naging kami at inabot din kami ng 2years hanggang sa nag hiwalay din kami dahil sa attitude problem ko at sa family problem din kasi nga ayaw sa akin ng parents nya kasi may gap kami. ayoko na ikwento lahat gusto ko lang sabihin yung story namin Masaya na Magulo na parang pang Teleserye na walang Happy Ending! Hindi lang namin kinaya yung mga challenges namin.

Gusto ko lang sabihin sa kanya na Sorry kasi wala tayong matinong Closure alam ko galet na galet ka pa din sa akin hanggang ngayon alam ko marami akong kasalanan sayo kahit na alam mong mabait naman talaga ako masyado lang talaga akong selfish hindi ko inisip lahat ng mga ginawa ko mag backfire lahat sa akin tinamaan ako ng karma 2x pa. Yung mga plano natin hindi na natin nagawa na magkasama tayo, magkahiwalay na nating ginagawa ngayon. Pero natutuwa ako kasi alam kong yung napag usapan natin' plano yun pa din yung ginagawa mo kahit yung gusto mong itawag sayo ng Baby mo ay ""Nanay"" kung magkaka anak tayo ayaw mo ng Daddy or Mommy ang tawag sa atin. tapos dati lage tayo nag aaway kasi ayokong umiinom ka ng alak hanggang sa naitigil mo na din sya nababalitaan ko lang kasi yung mga importanteng tao sa akin na kaibigan ko ay ka close mo pa din hanggang ngayon. Matagal ka bago nagka BF ulet hanggang sa ako nagkaroon na din ng GF na umabot din ng taon hanggang sa nauwi din sa wala. Noong time na gusto na kita balikan wala na hindi na pwede kasi meron ng nag mamayari ng puso mo. hanggang sa ako wasak pa din kasi ultimo sarili ko hindi ko maintindihan yung ang galing ko mag payo sa ibang tao yung ako yung takbuhan ng mga kaibigan ko pero sarili kong problema hindi ko kayang ayusin. Ngayon alam ko masaya kana kasi may Baby na kayo ng BF mo. Gusto ko lang mag thank you kasi marami na akong na realized kung anu yung mga pinag aawayan natin nung tayo pa lahat yun naiitatama ko na ngayon ang laking adjustments na yung ginawa ko mas lalo na ako nag matured kung hindi dahil sayo hindi ulet ako magiging better person dahil nakilala mo ako ""wala na akong bisyo, walang alak at walang yosi"" hanggang sa na break ko yun kasi nabaliw ako sayo nung nag hiwalay tayo pero itinigil ko na ulet nung naging okay na ako.

Gusto ko lang sabihin sa inyo sa mga nagbabasa dito. Kapag mahal mo yung isang tao pakawalan mo na kung yun ang makakabuti sa inyo both sides. kasi may mga love story na hindi pwedeng ipilit kahit alam nyong mahal na mahal nyo yung isat-isa. Ang hanapin nyong partner yung kayang lumaban sa inyo yung buo ang loob yung kaya nyong patunayan sa lahat na matibay kayo kahit anung challenges ang dumating sa inyo yung walang makakapag hiwalay sa inyo. Hindi sapat yung mahal mo lang pero wala kang lakas ng loob para ipaglaban yung taong mahal mo."

OnlyChild
2005
Institute of Arts and Sciences (IAS)
FEU Manila

The FEU's Secret FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon