Lie # 65: Her Recovery

1.7K 24 3
                                    

Lie # 65: Her Recovery

-After 7 months-

[Mia's POV]

[a/n: play the song sa side.. continuous playing po :) ->NP: Between Heaven and Hell - BoA
i'll give you a tip.. i-DL n'yo na lang yung song.. haha~ download link on the external link :)]

Minulat ko ang mga mata ko at ang asul na langit agad ang nakita ko..

"Nasaan ako?"

Bumangon ako sa pagkakahiga ko.. at isang malawak na hardin ang nakita ko..

Punong puno ito ng iba't-ibang mga bulaklak.. at mga damo.. parang yung burol kung saan naglalaro kami ni Jica dati..

Teka? Nasaan ba ako?

Tiningnan ko ang sarili ko..

Bakit ganito.. Nakaputi akong gown at apak ang mga paa ko.. Yung buhok ko.. nakalugay habang napapalamutian ng bulaklak na korona..

Nilibot ko ang paningin ko.. at isang babae ang nakita kong nakaupo sa may fountain..

Lumapit ako rito at nagtanong..

"Ahmm, excuse me.. nasaan ba ako? Bakit ganito ang suot ko?" tanong ko..

Tumingin s'ya sa akin at ngumiti..

"Wala ka dapat dito.." sabi n'ya sa akin..

"Huh? Ahhmm? Nasaan ba ako?"

"Hindi ka pa patay.. kaya dapat wala ka dito.." teka.. ano raw? patay?

"Hindi kita maintindihan.."

"Mia.. nangako ka sa akin.. ikaw ang bahala kay Xander.. sisirain mo ba ang pangakong yun?" sabi n'ya sa akin..

Nangako ako sa kanya?

Tinitigan ko s'yang maigi.. at dun ko lang s'ya namukhaan..

"Bel?" tanong ko..

"Nagkita na rin tayo.. pero hindi pa dapat.. excited ka Mia.." sabi n'ya

Joker pala tong si Bel.. pero di.. di ba..

"Teka? Ba-bakit ako nandito? Anong nangyari sa akin?" tanong ko sa kanya..

"Hindi na mahalaga yun.. ang mahalaga.. ay bumalik ka sa lupa.. at tuparin mo ang pangako mo sa akin.. iniwan ko na si Xander ng hindi s'ya handa.. wag mo sanang ulitin ang ginawa ko noon.. wag mo s'yang iiwan.. kasi sigurado akong.. hindi n'ya kakayanin.."

Her Perfect Lie [Complete] (Editing)Where stories live. Discover now