Lie # 77: Following Her



1.4K 22 2
                                    

Lie # 77: Following Her

[Thunder's POV]

Umaga na pero hindi man lang ako nakatulog ng ayos..

Umupo ako sa pagkakahiga ko at bumuntong hininga. Hindi pa rin mawala sa isip ko yung sinabi ni Madi.. Ano bang meron at ayaw nila akong makipag-kita kay Mia?

Tumayo na ako para makapag-shower na ako, may practice pa nga pala kami, malapit na din kasi kaming mag-comeback, pero parang may kulang pa rin..

Pumasok na ako sa banyo, naligo tapos nagbihis na pagkatapos ay bumaba na ako para kahit papaano eh makapag-almusal ako.

Pagbaba ko..

"Oh Xander, umupo ka na dito at mag-almusal.." sabi ni mama at nginitian ako.

Walang gana na umupo ako sa tabi ni ate Janna.

"Oh, okay ka lang?" tanong n'ya.

Bumuntong hininga lang ako pagkatapos at tinitigan ko yung pinggan ko.

"Si Kami namaman?" tanong ni ate.

Marahan akong tumango at uminom sa baso ko. Nakita ko naman sa gilid ng mata ko na natigilan si papa.

"Sabi kasi ni Madi na wag na daw akong makipagkita kay Mia lalo na daw at padating na yung mama n'ya.." sabi ko.

Napatingin ako kay papa tapos yumuko s'ya at itinupi n'ya yung dyaryo na binabasa n'ya. Lumapit naman si mama kay papa tapos tinapik nito ang balikat ni papa bago binigyan ng isang ngiti. Hinawakan ni papa yung kamay ni mama tapos binigyan n'ya si mama ng pilit na ngiti.. Ano bang nangyayari sa paligid ko? Masyado ba akong nagfocus kay Mia kaya di ko na namamalayan yung nagaganap sa pamilya ko?

[Mia's POV]

Tinatamad akong bumangon... SOBRA -.-

Haaaayyy.. Alam ko na parents ko yung dadating, pero syempre, alam n'yo naman yung kalagayan ko di ba TεT

"Kambal, bangon ka na d'yan, susunduin pa natin ang parents mo.." sabi ni kambal habang nakasilip dun sa pintuan.

Bumuntong hininga naman ako tsaka walang ganang bumangon.. nakakatamad talaga.. hayy..

Pumasok na ako sa banyo at naligo, pagkatapos ay nagbihis at lumabas na ng kwarto ko. Simple lang ang sinuot ko, white muscle tee na may nakasulat na 82 tapos maong shorts and sneakers lang.

Bumaba ako sa hagdan at nakita ko naman dun si kuya Gian, ate Elaine, si kambal at si Gerly.. so ako na lang pala hinihintay nila..

"Ready bunso.." sabi ni kuya at ginulo ang buhok ko.

"As always.." tapos pinilit kong ngumiti sa kanila..

Tapos ayun, nag-breakfast muna kami bago kami umalis at pumunta sa airport..

=AIRPORT=

Nakatingin lang kami nina kuya dun sa screen, iniintay namin yung flight nina mama..

Kinuha ko yung iPod touch ko at naglaro na muna ng Minion Rush, nabobored kasi ako eh, ang tagal naman nila..

Habang naglalaro ako, bigla namang tumunog yung speaker.. dumating na yung flight nina mama..

Tumayo na kami sa inuupuan namin at pumunta na dun sa arrival gate. Maya-maya lang eh lumabas na dun sina mama..

"Hi po tita..tito.." bati ni Madi..

Ngumiti naman si Gerly sa kanila at nag-bow tapos si kuya, lumapit sa kanila para ikiss sila sa cheeks, si ate Elaine naman ngumiti at nag-mano sa kanila..

Her Perfect Lie [Complete] (Editing)Where stories live. Discover now