Lie # 13: Sweetness to the Next Level

3.2K 61 2
                                    

Lie # 13: Sweetness to the Next Level


[Thunder's POV]


Nandito ako ngayon sa hospital room n'ya..


Pinagpapahinga muna s'ya nung doctor..


Sabi kasi over fatigue lang tapos nagkaroon pa daw s'ya ng sipon at ubo..


Ano ba naman kasi ginagawa ng babaeng ito sa buhay n'ya?

'Kaso sakitin s'ya..'


Ughhhh! Pesteng utak!! Wag mo munang isipin sinabi nung kuya n'ya okay..


Wala pa rin s'yang malay kaya nagdesisyon akong bumili muna ng instant noodles sa baba..

Pagbalik ko tulog pa rin pero gumagalaw na.. Nagising ata..


Minulat n'ya mga mata n'ya tapos nilibot nung mata n'ya yung paligid..


Pinatong ko muna yung noodles tapos lumapit ako sa kanya..


"Okay na ba pakiramdam mo?" tanong ko..


"Ahh, oo..ahmm ano.. anong nangyari?" sagot n'ya at tanong n’ya..


"Nahimatay ka kanina.. Ahh, sandali.. Ihahanda ko lang yung kakainin mo para makainom ka na ng gamot.."


Tiningnan n'ya lang ako..


Binuksan ko yung isang noodles at nilagyan ng mainit na tubig.. Buti meron dun..


Nung ready na.. Lumapit ako sa kanya at umupo dun sa may tabi n'ya..


"A-ako na.." sabi n'ya..


"Hindi, ako na.. Mainit 'to.. Baka mapaso ka.." sabi ko..


Tumungo lang s'ya..


Pero parang nakita ko s'yang nagblush..


Ayy? Adik lang ako? Ehh malamang may sakit yan.. Bakit mo naman iisipin na nagblublush s'ya?


[Mia's POV]


[a/n: NP: KISS ME by G.NA - play n'yo po yung video sa tabi ^^ - start when G.NA sings]


Aigooooooo!!


Ayoko na!!!


Naabala ko pa s'ya..


Buti na lang at may sakit ako.. At least may dahilan para hindi n'ya isipin na nagblublush ako..


Nakakainis s'ya!


Bakit ba ganito s'ya?!


Hawak n'ya yung kutsara na may sabaw galing dun sa noodles.. Hinihipan n'ya yun ng dahan dahan..


Tapos dahan-dahan n'ya nilapit sa akin..


Nung hinigop ko..


O_____o


Aray =_______=


Pinaypayan ko yung dila ko gamit yung kamay ko..


"S-sorry.. Mainit pa ba? Sorry.."

Her Perfect Lie [Complete] (Editing)Where stories live. Discover now