Lie # 78: The Moment of Truth

1.5K 28 3
                                    

Lie # 78: The Moment of Truth

[Mia's POV]

Dalawang linggo na ang lumipas simula ng dumating sina mama.. And yes, bantay-sarado pa rin po ako. May bago pa ba?

Ay meron pala, dumating din sina ate Karlie at kuya Aiden, this time kasama si baby Kai, yung anak nila.

Buti nga yun eh, taga-alaga ako ni baby Kai pag wala sila.. so hindi na ako nabobored.

Ngayon naman, papunta kami sa isang restaurant. Kasama ko si kuya Aiden at kuya Gian. Si ate Karlie nasa company, alam n'yo na.. busy ang peg, si Madi nandun din, si baby Kai inaalagan ni yaya dun sa bahay.

Nasa harapan nga namin si mama habang naglalakad, si papa nandito na daw sa restaurant.

"Ma, bakit tayo nand---" natigilan ako sa sinabi ko.

Napatingin sa akin si kuya Aiden, kasi alam ko kung ano yung iniisip n'ya.. at hindi ko nanaman gusto yung nararamdaman ko..

Deja vú... naisip ko habang naglalakad kami papunta kay papa.

Dumating kami dun sa table, nandun si papa at may kausap sa phone, so kami naman naupo na kami. Katabi ko sa right si kuya Aiden, tapos katapat ko si kuya Gian.

Bigla namang nag-ring yung phone ni kuya Aiden.

"Hello sunny?" sabi ni kuya Aiden.

Natigilan nanaman ko..

"Ahm, kadadating lang namin.. tawagan mo na lan---" natigilan din si kuya Aiden at napatingin sa akin..

Bakit parang nangyayari yung dati.. [a/n: Lie #64: The Accident]

"Oo sunny, nandito pa ako." Tapos tiningnan ako ni kuya Aiden.

Tiningnan ko lang s'ya at pinilit ngumiti na parang wala akong ideya kung bakit nagkakaganito si kuya Aiden.

"Oh, kuya, bakit namumutla ka d'yan?" puna ni kuya Gian.

Umiling naman si kuya Aiden.

"Hime, wag ka na lang bigla biglang tatakbo ha.. baka mamaya kung mapaano ka.." sabi ni kuya.

Tumango na lang ako at nginitian s'ya..

Maya-maya lang may dumating na babae at lalaki na mga ka-edad nina mama at papa..

"Pasensya na kayo, naghintay ba kayo?" tanong nung babae kay mama.

"Naku, hindi naman, kadarating lang din namin.." sabi ni mama at pina-upo n'ya yung dalawang dumating.

"Sino po sila?" tanong ko kay kuya Aiden.

"Hindi ko din alam hime.." tapos tiningnan n'ya si kuya Gian na kasalukuyang kumukunot na ang noo..

"Mga anak, this is my friend, Aila and her husband, Rick" sabi ni mama

"Dadating din ang anak namin mamaya.." sabi naman ni tito Rick.

"Then that's great, makikilala na s'ya ni Kaminari.." sabi ni mama..

Si papa tahimik lang pero ramdam ko na parang ayaw n'ya sa ginagawa ni mama.

Sh*t! Don't tell me.. NANAMAN!!!!

Pero hindi ko pinahalata sa kanila na nakakahalata na ako sa gagawin ni mama.. Syempre wala akong alam, wala akong naaalala, wala akong magagawa..

Her Perfect Lie [Complete] (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon