Lie # 79: The Change

1.6K 28 5
                                    

**At dahil mapilit ka kambal :D hahahaha**

[Gian's POV]

[a/n: listen to the song sa side.. NP: Day and Night - Gummy]

Dumating kami sa bahay, sumunod agad kami nina papa kina mama nung matauhan kami.

Pagdating namin dun, nagwawala pa rin si Yani..

"BITAWAN N'YO AKO!" sigaw n'ya at pilit na nagpupumiglas.

"Aiden! Gian! Anong nangyayari?!" tanong ni ate Karlie na kakauwi lang at kasabay na umuwi si Madi..

"Si Yani.." yun lang nasabi ko.

"Kambal!!" sigaw ni Madi na nabigla sa nakita n'ya..

"Bitawan n'yo sabi ako!!" sigaw ni Yani.

Sinundan namin sila hanggang sa makadating sila sa kwarto ni Yani, at dun s'ya binitawan..

Tatakbo na sana si Yani palabas pero agad na isinara yung pintuan n'ya at nilock ito.

"MA! BUKSAN N'YO 'TO!! MAMA!!" sigaw ni Yani habang kinakatok yung pintuan..

"Hindi ka na pwedeng lumabas d'yan Kaminari!" sigaw ni mama. "Bantayan n'yo s'yang maigi at wag n'yo s'yang palalabasin.." sabi ni mama dun sa dalawang lalaki na nakatayo sa may pintuan ni Yani.

"Mama!!!" sigaw ni Yani at patuloy pa rin sa pagpilit na buksan yung pinto.

Umalis naman dun si mama at pumasok sa kwarto nila ni papa, sumunod dun si papa para kausapin si mama.

"Mama! Buksan n'yo to!" sigaw ni Yani.

Agad kaming lumapit dun sa pintuan n'ya.

"Yani!" sabi ko.

"Kuya! Kuya! Buksan n'yo 'to please! Kuya!!" sigaw n'ya sa loob at halata mong umiiyak na s'ya.

"Hime, kakausapin namin si mama! Wag kang mag-alala!" sabi ni kuya Aiden..

"Kuya! Natatakot ako! Kuya!!!" iyak s'ya ng iyak.

"Nandito lang kami kambal!" sigaw ni Madi.

"Bunso, wag ka ng umiyak.." sabi ni ate Karlie na nag-aalala na kay Yani.

"Kuya! Madi! Ate! Buksan n'yo 'to! Parang awa n'yo na!" sigaw n'ya habang umiiyak s'ya..

"Bunso, sa ngayon, sundin mo muna si mama, kakausapin namin s'ya ha!" sigaw ko habang hawak yung pintuan n'ya, "nandito lang kami, wag kang mag-alala!" sigaw ko.

"Kuya.." tapos puro iyak na lang n'ya yung narinig namin.

Agad naman kaming pumunta ni ate Karlie sa kwarto nina mama at papa.. Nag-aaway din sila.. ngayon ko lang sila nakitang mag-away.

"Anak mo pa rin s'ya! Hindi mo dapat ginawa 'to sa kanya!" sigaw ni papa.

"Pero nag-sinungaling s'ya sa atin Adryan! Yan ba ang natututunan n'ya sa Xander na yun?! Ang magsinungaling sa atin?!!" sigaw ni mama.

"Alam mong nagawa yun ng anak natin kasi di ka n'ya naiintindihan! Hindi n'ya alam kung bakit ka galit kay Xander!! Sa tingin mo ba, kung di mo sila hinahadlangan mangyayari 'to sa anak natin ngayon?!!" sigaw ni papa.

"EOMMA! APPA! STOP!" sigaw ni ate Karlie.

Napatingin sila sa amin.. bumuntong hinanga naman si papa bago ito lumabas ng kwarto.

Her Perfect Lie [Complete] (Editing)Where stories live. Discover now