Chapter 22

9.9K 325 6
                                    

[WARNING: The story and the scenes are all fictional. Any similarities of the actual names, descriptions of the story are all coincidence only. Please do not mind all the wrong grammars and typos in this story. Edited version will be release as soon as this story completed. It'll need much time and effort so please wait patiently and please do not judge the authors work if you do not like it's plot and sequences, for all you know that nobody's perfect and so do I. Thank you for welcoming me in this site and continue being with me for the next years. Thankyou —M4E]

[Shayle Oracle Oz]

Halos takbo lakad na ang ginawa namin ni Drianna habang palinga linga sa paligin,umaakto naman kaming normal lang pag may nakakasalubong kaming students or school personel.

"Bakit ba tayo nag iingat? hindi ba pwedeng basta nalang lumabas?"

Hindi ko mapigilang tanong kay Drianna,marahas naman itong lumingon saakin at inilagay ang hintuturo sa bibig,tumahimik naman ako.Maya maya'y nakaramdam ako nang presensya kaya na gets ko naman ang gusto niyang ipahiwatig.

"-sana nga din eh, hindi ko pa naman kayang gawin ng mabuti ang spells na itinuro saatin."

"Malapit na ang Duel ah?,hindi mo pa ba nakabisado ang mga iyon?"

"Nakabisado na-pero hindi ko pa kayang gawin ito ng maayos"

"Di bale,bibigyan naman tayo nang tatlong araw para mag ensayo,siguro naman sapat na iyon"

"...sana nga"

Nanatili kaming tahimik hanggang sa hindi na namin narinig ang boses nang dalawang babaeng dumaan.Lumingon lingon pa kami bago nagsimulang maglakad na para bang walang nangyari.

Habang nakasunod kay Drianna,hindi ko maiwasang maalala ang pinag usapan nang dalawang babae.Duel,may labanan bang magaganap sa mga susunod na araw?,ba't hindi ko ata yun alam?.Lumapit ako kay Drianna at sumabay sa kaniyang paglalakad.

"Yung sinabi nang dalawang babae kanina,Duel daw? Anong duel?"

Napahinto naman ito saka nagtatakang tumingin saakin.

"Hindi mo alam?"

"Magtatanong ba ako kung hindi?"

Pabalang na saad ko, napahampas naman ito sa noo saka ako hinawakan sa kamay at hinila patakbo.

*

Madali kaming nakalanas ni Drianna sa Academy,hindi ito naging madali dahil sa pakalat kalat na studiante sa buong lugar.Pero sa huli'y naka tyempo kami't nakalabas nang maayos at walang sabit.

Kung hindi ko lang kilala tong babaeng to,baka pagkamalan ko itong sanay mag rebelde sa school.Paano ba naman, sa likod mismo kami nang Academy lumabas!,halos hindi nga ako maka kurap sa taas at tayog nang bakod.Pero walang hirap lang itong nilipad ni Drianna gamit ang floating spell,wala naman din akong magawa kundi gayahin siya.

Nasa centro na kami nang bayan,naglalakad sa kung saan.Hindi ko naman talaga alam kung saan kami pupunta ni Drianna pero naniniwala naman ako sa sinasabi niyang,alam niya talaga ang daan at hindi kami nawawala.

Habang naglalakad,marami akong mga kakaibang bagay at lugar na nakikita.Ibang iba talaga ito sa mundong ginagalawan ko halos 99% nang buhay ko.Parang lahat nang mga imposibleng bagay kayang maging posible.Nakakamangha ang ganda nang lugar,lahat may kaniya kaniyang majikang gamit nang may mga ngite sa kanilang mga labi.

Hindi ko maiwasang mapa isip,lahat ba nang mga tao dito ay may kapangyarihan? o gifted lang.

"Hindi"

Biglang saad ni Drinna kaya agad naman akong napa kunot nang noo.

"ha?"

Parang tangang tanong ko,narinig ko naman ang mahinang pagtawa nito saka humarap saakin habang nakangiteng itinuro ang wand niya,umiilaw ang dulo nito.

Laiphar: A Great Sorcerer (2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon