Chapter 57

3.6K 110 13
                                    

( Malapit na ang pasko! <3 )

---

[Leo]


  "Hindi tayo pwedeng magtagal pa dito! "  

Malakas na sigaw ni Drianna saka ikinumpas ang kaniyang wand at kaagad siyang lumutang, mabilis siyang bumaling saakin saka ibinuka ang bibig na tila may sasabihin pero sa huli'y hindi na niya itinuloy. Sa isang kumpas ng kaniyang hawak na wand ay naramdaman ko ang unti unting pag angat ng aking katawan.

"We must hurry!"

Walang ka emo emosyong saad niya ngunit mahahalata sa boses nito ang takot at pag aalala. Binalingan ko naman si King Hermeo sa kaniyang kinatatayuan at nagulat ako ng bigla siyang lumuhod at hinawakan ang lupa. After that a huge magic circle formed in the ground sa mismong kinatatayuan niya.

Ang nakakasilaw na berdeng ilaw na nagmumula sa magic circle ang siyang lumiwanag sa buong kapaligiran ng Akademiya. Parang biglang nalusaw o na hawi  ang hamog at alikabok na siyang bumubulag sa aming paningin. Unti unting nagiging malinaw saakin ang lahat, mula sa mga bangkay ng kalaban, mga pro magicians at nadamay na mga sibillian.

Parang unti unting bumabagsak ang puso ko habang nakatingin sa school ground na siyang dating masayang lugar na ngayon ay napalitan ng poot at sakit. Hindi ko kayang tignan pero kailangan kong maging matatag, kaya kahit na naiiyak ay pilit kong pinipigilan ang aking sarili. Hindi katagalan ay naramdaman ko ang paghigpit ng hawak saakin ni Drianna na siyang dahilan upang mabaling ang atensyon ko sa kaniya. 

Nanlalaki ang mata niyang nakatingin sa itaas, nanlalamig siya't namumutla. Gayon na lamang ang gulat ko nang napagtanto ko kung ano ang totoong nasa itaas.

"What on earth..."

Hindi ko maipaliwanag kung gaano katakot takot ang maaaring mangyari  kapag hindi namin ito mapigilan. Hindi ko maiwasang manginig sa sobrang takot at galit, hindi ko maintindihan, hindi ko talaga maintindihan kung bakit ito nangyayari!. Bakit nadadamay ang mga sibillian sa hidwaan ng sinaunang kalaban ng aming mga ninuno!.

Isang malaking itim na sphere ang nasa itaas, malaki ito at ramdam kong  napakalakas ng epekto nito kung sakaling lalapat ito sa lupa. Paniguradong walang makakaligtas saamin, kahit  na ang mga kakampi nilang nilalabanan namin ngayon. Wala silang papalampasin, nakakasiguro ako doon.

"Ano yan?!"

"Isang malaking sphere na nilikha mula sa isang ancient dark spell na nagmula pa sa mga salinlahi nang the cursed blood"

Tugon ni Dianna at hindi man lang nito inalis ang tingin sa bagay naunti unting bumabagsak saamin ngayon.

"Walang sino mang matitira saatin kung sakaling hindi natin ito mapipigilan, mabubura ang Moueshuff City pati na rin ang kalapit na bayan na malapit saatin"

"cursed blood?, ancient dark spell?  wala akong maintindihan!"

"Kailangan ko pa ba talagang ipaintindi sa iyo ang lahat kaysa humanap ng paraan para ma diffuse ang spell na iyan?!"

Hindi nito napigilang sigaw , hindi naman ako nakapagsalita at napayuko na lamang. Napahinga naman ito ng malalim saka itinuro si King Hermeo na ngayon ay seryosong nakapikit habang bumubulong sa hangin. Hindi ko alam kung ano ang mga kayang gawin ni King Hermeo, hindi ko siya kailanman nakitang gumamit ng mahika o makipaglaban kaya hindi ako sigurado kung ano ang balak niyang gawin. Wala rin naman akong ka alam alam sa spells dahin hindi ako ng aaral nun.

" Nagsasagawa siya ngayon ng ritual"

Kunot noo akong napalingon kay King Hermeo saka kay Drianna, seryoso pa din siyang nakatingi kay King Hermeo na tila ba hindi niya nagugustuhan ang ginagawa nito.

Laiphar: A Great Sorcerer (2016)Where stories live. Discover now