Chapter 38

7.2K 208 29
                                    


***

[Shayle]

Tahimik ang paligid at halatang nagpapakiramdaman lang ang lahat. Hindi ko lubos maisip kung paano ako napunta sa ganitong situasyon gayong wala naman akong halos maalala sa nangyari kanina.

Inilibot ko ang tingin sa buong silid, mahahalata ang katandaan ng lugar pero hindi ito naging hadlang upang lumitaw ang kagandaan ng buong silid. Makaluma ang mga kagamitan, ang mga figurines ay halatang vintage, kahit ganito lang ito napaka elegante naman nitong tignan.

Napako ang paningin ko sa isang kakaibang hugis na figurine, aakalain mong parang wala lang pero habang pinagmamasdan ko ito nang mabuti, unti unting nagkakaroon ng imahe ang figurine pero bago ko pa man malaman kung ano yun, may biglang nagsalita sa gilid ko.

"H—ha?"

Parang tangang tanong ko, kunot noo naman akong tinitigan ni Richards at pilit ngumite.

"Kanina ka pa kinakausap ni King—I mean Principal."

Kaagad naman akong napatingin sa paligid at halos gusto kong lamunin na ako ng lupa dahil halos lahat sila nakatingin saakin ngayon.

"Tss"

Rinig ko sa kabilang upuan, nang tignan ko ito. Isang walang emosyong Wong ang nasilayan ko, blanko ang ekspresyon niya pero maya mayay nangunot ang noo't pinagtaasan ako ng kilay saka nag iwas nang tingin. Anong problema nun?.

"May problema ba?—"

"Hindi ako"

Kaagad akong napasagot nang hindi man lang napaisip. Maya maya'y unti unting nag sink in saakin yung nasabi ko—babawiin ko sana pero mukhang huli na ako.

"Ha?"

Naguguluhang tanong ni Richards, nakita ko namang napa ismid si Wong at balewang napa irap si Cassidee.

"Ha? Ah! Ano... wala wala"

Saad ko. Napatango naman ito kahit halatang hindi ito naniniwala saakin. Hindi ko na siya pinag tuonan pa nang pansin at diretsong tumingin kay Mr. Principal. Muntik pa akong mapaatras dahil sa tingin pinupukol nito saakin kung di lang dahil back rest ng upuan siguro'y tuluyan na akong napa atras.

Una itong bumawi nang tingin at napabuntog hininga bago ipinag patuloy ang kaninang sinasabi.

"As I was saying, I sent you all here sa kadahilanang hindi ko maipaliwanag. And for the first time in the history... may isang taga Chairo ang nadawit"

Muling panimula nito at sandaling tinapunan ako ng tingin. Napa kuyom naman ako nang kamao dahil sa panaka nakang tingin saakin ng mga naririto, hindi rin ako bumitaw nang tingin kay Principal Hermeo at pilit pinapatigas ang mukha.

Alam ko naman eh, kahit wala silang sabihing pangalan, kahit hindi pa nila ako tapunan nang tingin. Alam kong ako ang pinariringgan niya, bukod kasi sa ako lang ang baguhan sa aming nandirito, halatang ako rin dahil sa suot kong puting uniporming sumisigaw nang 'Chairo!'. At ... ako lang naman ang nag iisang taga Chairong nandirito.

" may nakapagsabi saaking lahat kayong naririto ay may kinalaman sa nangyari, at hindi ako yung tipong taong basta basta nalang naniniwala sa mga sabi sabi. Now tell me..."

Mas lalong sumeryoso ang mukha ni Principal Hermeo at isa isa kaming tinapunan nang tingin. Kahit walang magsasalita, ramdam na ramdam ko ang tensiong pinapalabas nila. Hindi ko tuloy maiwasang mapalunok at mapahugot nang hininga, na te tense tuloy ako.

"A few minutes ago, bago kayo nagsama sama sa iisang lugar. What happend?, I mean to say, did you even feel a sudden outbreak ng kapangyarihan?. Did you also feel the mysterious aura na bigla ring nawala bago pa man kayo makarating sa iisang lugar?"

Laiphar: A Great Sorcerer (2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon