Chapter 46

5.8K 205 31
                                    

(AN: Sa mga nagtataka kung bakit halos wala paring progress ang lovelife ni Shayle, ito ay dahil mamumuhay siyang single at mamatay ring single forever—pero syempre joke lang! XD hahaha! Ayokong malungkot si Shayle kaya bibigyan ko siya ng kaunting kilig. *kahit na labag sa loob ko XD*, wala po kasi akong lovelife kaya hopia rin sa lovelife ang bida ko XD. Ayoko namang magmukhang hopeless romantic—pero dahil naaawa na ako sa bida ko, pagbibigyan ko siya XD—pero hindi ko maipapangakong kikiligin kayo sa kanila ah... like what I've said, wala akong lovelife, hindi ko alam kung papaano magpakilig o kiligin. Ah basta basahin niyo nalang ang mga susunod na chapters! Kayo na ang humusga! Hahaha! XD —m4e

***

[Ethan]

Ilang minuto na nang matapos ang labanan ni Oz at Endiva, halos lahat ng naririto ay hindi makapaniwala sa nangyari. Most of us are confuse, hindi namin alam kung ano ang nangyari sa labanan but I can say that it was intimate and serious one.

Madaling natapos ang labanan na ipinagtataka ko. I was staring at the medics habang ingat na ingat ang mga itong buhatin ang walang malay na si Endiva. We are all curious of what happen, hindi kasi namin nakita ang aktong labanan  may mga teachers ring pilit tinatanggal ang spell na ginawa mismo ni Oz pero ang ipinagtataka naming lahat ay hindi man lang ito umubra. Even yung mga head masters ay walang nagawa para patigilin ang malaking buhawi sa gitna ng arena, they even ask me for help but I refuse to do so.

Kung hindi nga nila kayang gawin ng sabay sabay, pano naman ako?. Kahit hindi ko pa nagagawa, I know I also can't difuse Ozs power, I can feel it. It was so sudden akala namin ay normal na labanan lang—well it is...really kaso lang parang sinadya itong itago at hindi ipakita saamin, I wonder kung anong dahilan kung bakit niya yun ginawa.

Mabilis akong tumayo at humakbang paalis.

I need to know everything, I need to know kung bakit yun ginawa ni Shayle at...at kung papaano niya nampatumba si Endiva. Not that minamaliit ko siya, pero ang ilang minutong labanan na ganun kalala ang nangyari kay Endiva ay hindi normal. I need to know the truth, the fucking truth...

"Ethan?"

I immediately stop from stepping forward ng marinig ko ang pagtawag ni Cassidee. I faced her wearing my blank and cold face, kita ko ang pagtataka sa mukha nito ng dahan dahan itong tumayo. Napansin ko rin ang bahagyang pagtayo ni Richards at pagtatakang nakatingin saakin.

"Where are you going dude?"

Hindi ko tinapunan ng tingin si Leo at nanatiling nakatingin kay Cassidee. I was waiting for her next move then she finally step forward but I stop her.

"Do.not.follow"

Matigas na saad ko, I can see a glimps of pain in her eyes. Nanlulumong napa atras ito at napayuko, naguguluhan at kinakaban naman lumapit si Leo dito at kinausap.

"Wait, Cass...just do what he wants, play stay ca—"

Hindi ko na siya pinakinggan pa at nagmamadaling umalis. I know he can take care of Cass kaya hindi ko na kailangan pang mag alala pa, he can take care of her more that I do.

Mabilis kong nilisan  ang Arena at tinahak ang exit. Bumugad kaagad saakin ang mahabang pasilyo papunta sa school grounds, hinanap ko siya sa bawat sulok ng lugar pero hindi ko siya makita kita.

Inis kong sinipa ang basurahang nasa tapat ko at pasabunot na hinawakan ang buhok. Damn! Why am I so worried about that damn women?!. Tskk! Nasan ba yun?!.

Ilang sandali lang ay napahinto ako sa biglaang pag sakit ng aking pala pulsuan. My eyes widen when I saw how my wrist glow na natatakpan ng tela. Marahas ko itong kinuha at halos masilaw ako sa tindi ng liwanag na taglay nito, pilit kong inilalayo ang mukha ko sa aking kamay dahil tila mabubulag na ako sa liwag nito.

When I look down, I saw a faint light  na tila may itinuturong direksyon na papunta sa may gubat ng school, kahit na naguguluhan... kaagad kong tinahak ang tinuturo ng ilaw. Pinapaniwalaan ko nalang ngayong ang instinct ko at kung saan ako nito dadalhin,  my curiousity will kill me pag hindi ko na ginawa. Habang napapalapit ako sa pusod ng gubat ay mas lalo pang nagliwag ang aking pulsuan, pero hindi tulad nung kanina. Wala na akong maramdamang kirot kundi ang paguumapaw na kapangyarihang hindi ko maipaliwanag.

Huminto ako sa pagtakbo nang may napansin sa aking kaliwa, I turn around and look at that thing. I wasn't able to utter any word, para akong napipi habang pinagmamasdan ang likod ni Oz. Tama kayo, ang aking nakita ay si Shayle hindi ko nakikita ang mukha nito pero alam kong siya iyon, mula sa buhok, pigura at kasuotan.

Bumaba ang tingin ko sa kaniyang kamay at kunot noong napatitig sa pulang likidong dumadaloy sa kaniyang mga braso. Nagulat ako sa nakita't malakas na napasinghap, ang daming dugo!. Nang ibalik ko ang tingin kay Shayle ay mas nagulat ako ng makitang nakatingin na pala ito saakin. Saglit akong napatigil dahil sa isang bagay na napansin, may iba sa kaniyang mga mata—, pagod ang mga mata't putlang putla, kapansin pansin rin ang panghihina nito kaya hindi na ako nag dalawang isip na lapitan siya.

Mas binilisan ko pa ang takbo ko ng makitang hindi na nito makayanang tumayo't unti unting nawawalan ng lakas. Hindi sapat ang bilis ko kaya't hindi na ako nag dalawang isip na gumamit ng mahika upang mapigilan ang kanyang pagbagsak.

Bago pa man lumapat ang balat niya sa lupa ay kaagad siyang umangat sa ere na tila lumilipad. Napahinga ako ng maluwag at dahan dahan siyang inilapag sa aking mga braso. Hindi ko mapigilang mapangiwe sa lakas ng agos ng kaniyang dugo, kapag hindi agad ito maagapan ay maari niya itong ikamatay!.

Sa isang di malamang dahilan, biglang kinain ng puot at takot ang aking dibdib sa aking naiisip pero agad ko itong winaksi at mabilis na tumakbo papunta sa clinic. Ilang hakbang pa lang ang aking nagawa ay kaagad akong napatigil dahil sa biglaang paghigpit ng kapit ni Shayle sa aking damit.

"D—don't..."

Nagtataka ako sa sinabi niya pero muling humakbang ngunit nagulat ako ng bigla niya nalang kinawit sa aking leeg ang kaniyang mga braso. Napatitig ako sa kaniyang mata na tila nananalamin, kitang kita ko ang aking repleksyong natataranta. Humigpit ang hawak ko kay Shayle at matigas siyang tinitigan, hindi ko maaaring sundin ang nais niya!. Baka mamaya niyan ay may mangyaring masama sa kaniya!.

"Tumahimik ka na Shayle, kailangan na kitang ihatid sa clinic..."

Pinal na saad ko at mataman siyang tinitigan. Umiling naman ito at mas inilapit ang kaniang mukha saakin, bigla tuloy akong napaurong ng wala sa oras.

"No...Don't, dalhin mo ako kahit saan basta wag lang 'dun. Doon sa kung saan mang walang ibang taong makakakita saakin... please..."

Nagmamakaawang saad nito, hindi ako sanay na ganito si Oz. Hindi ako sanay na nagpapakita siya ng kahinaan saakin, kaya siguro ay ito rin ang dahilan kung bakit ko kinalimutan ang aking nais at mas piniling sundin siya.

Dahan dahan lamang ang ginawa kong paglapag sa kaniya sa aking malambot na kama. Gumamit na rin ako ng mahika upang mabihisan siya ng hindi ko tinitignan, nagpalit na rin ako ng damit dahil punong puno ito ng dugo . Hanggang ngayon ay palaisipan parin saakin ang mga nangyari, hindi ako makapaniwala sa nasaksihan. Ngunit kailangan ko pa rin ng confirmation mula sa kaniya kung totoo man ang aking hinala, kung sakaling magsinungaling man siya ay wala na akong magagawa. Alam ko man o hindi ang mas mahala ay ligtas siya't nasa panig siya ng kabutihan—kabutihan nga ba?.

"Hmmm..."

Ungol nito't nagpalit ng pwesto, wala sa wisyo akong lumapit kay Shayle at napatitig sa kaniyang mapayapang mukha na tila aalang dinaramdam na problema.

"...thank you..."

Nagulat ako sa biglang pag bigkas nito kaya hindi ko napigilang mapangite, ngunit kung anong bilis ng pagsilay ng aking ngite. Ganun din kabilis itong nawala nang marinig ang kaniyabg sunod na sinabi.

"Knight..."

Who the fuck is that?.

***
Hello! Na enjoy ba kayo? Maagang nakapag update diba? Hahahaha! XD na bored kasi. Please do comment and vote thank you! :*.
—m4e

Laiphar: A Great Sorcerer (2016)Where stories live. Discover now