FINAL

3.6K 72 12
                                    


[Shayle]

Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakatingin sa mukha niya habang nakaratay siya sa puting higaan at nakapikit. Hindi ko maiwasang sisihin ang sarili ko dahil sa nangyari, kung hindi lang sana ako naging mahina at bobo, hindi ito mangyayari.

Tumakas ang isang ligaw na luha sa aking mga mata na agad kong pinahid. Sa mga oras na ito ay wala akong karapatang umiyak, wala akong karapatang malungkot dahil responsibilidad ko ang ipagtanggol ang syudad.

I am the freaking Laiphar na sinasabi nilang may natatanging lakas at kapangyarihan, but after what happend, I doubt kung ako nga ba talaga ang Laiphar. Ni hindi ko man lang nailigtas si ang isang bata sa kapahamakan, bagkus ay siya pa ang nagligtas saaming lahat.

Si Faira Scott na may dangerous ability ang dahilan kung bakit walang napinsala sa Moueshuff City, walang karagdagang namatay at nasugatan ngunit laking pinsala naman ang dulot nito sa katawan ng isang bata.

Hinigop ng bata gamit ang kapangyarian ang lakas ng sphere, pinatay niya ang bumubuhay sa sphere na naging dahilan ng pagkawasak nito. Sabi pa ng mga magulang nito'y bigla na lamang daw tumakbo at nawala ang bata sa kalagitnaan ng digmaan, huli na nang malamang sumugod pala ito sa sphere.

"Mas mabuti kung kumain ka na muna Shayle"

Paos na boses na saad ni Drianna saka humawak sa aking kanang balikat, tila biglang bumigat ang aking pakiramdam dahil sa ginawa niya. Pasimple kong iginalaw ang aking balikat saka siya hinarap. Bakas sa mukha nito ang pagod at pag aalala, litaw na litaw rin sa kaniyang katawan ang mga sugat na kaniyang natamo.

"Kumain na ako" sagot ko

"Hindi pa rin ba nagigising si Cassidee?"

Ngumite ng pilit si Drianna at umiwas ng tingin.

"Gising na, pero kasalukuyang nagpapahinga pa rin."

Tumango ako saka naglakad na palabas, hindi na ako muling lumingon pa dahil nararamdaman ko naman ang pagsunod niya sa akin. Don't get me wrong, hindi naman ako galit kay Drianna, actually wala naman akong dapat ikagalit dahil wala naman siyang ginawang masama. Siguro naging maselan lang ang pakiramdam ko dahil I feel responsible pa rin sa mga nangyari.

Nasa loob kami ng Hospital sa labas ng paaralan, pinayagan kasing bumalik sa kani kanilang tahanan ang mga estudyante dahil sa nangyari. Isang linggo na rin ang nakakaraan pero parang kahapon pa rin ito. Marami ang namatay at nasugatan, maraming napinsala ngunit ngayon ay pilit na bumabangon ang syudad.

Dalawang linggong school break ang inanunsyo ni King Hermeo para sa mga estudiante, ang mga kasapi naman sa paaralan ay mananatiling may trabaho dahil sa napaka raming aasikasuhin ang mga meetings. Mukhang nabahala na ang council dahil sa nangyari, alam na rin pala ng nakatataas na ako ay isang Laiphar.

Tinanong kasi nila ako nang isinugod ko si Faira sa Hospital, hindi ako sumagot o tumanggi kaya alam kong kinonsider na nila itong 'oo'.

Kasalukuyan kaming nakaupo sa isang mahabang lamesa, kasama ko sa habang si Haring Hermeo, sina Leo, Drianna, Cassidee and Ethan. Walang nagsalita saaming apat habang sa napagisipan kong tumikhim at nagsimulang kumuha ng pagkain.

Napatingin naman ang lahat saakin ngunit hindi ko sila tinapunan pa nang tingin. Kumuha na lamang ako ng makakain and most importantly, tubig.

Tumikhim si haring Hermeo.

"...sige, kumain na muna tayo"

Kahit na nag aalin langan ay nagsimula na ring kumain ang iba. Ramdam ko mula sa harapan ang panaka nakang pagtingin ni Ethan saakin. Pagkatapos kasi ng digmaan ay hindi ko na muli siyang nakausap.

Laiphar: A Great Sorcerer (2016)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang