Chapter 27

10.5K 320 21
                                    


update!
next goal 15k. (*^﹏^*)
hinay hinay lang po,basis ko lang po ito kung kailan mag a update :) wag po kayong magmadali please!.
-m4e

***

[Shayle]

"impressive!"

Umalingaw-ngaw ang malakas na sigaw at palakpakan ng mga ka klase kong nasa Chairo Class,habang humihikab at wala naman paki ang ibang Class Family.

Yuyuko yuko pa akong lumapit sa mga kaibigan ko habang patuloy sila sa kaka palakpak.Hindi naman talaga gaanong kaganda ang pinamalas kong galing,simpleng spells pero dahil ka family ko sila,todo suporta sila saakin.

Ang totoo niyan,muntik pa akong mapalpak dahil sa panaka nakang pagkirot ng wrist ko.Ramdam ko rin ang bawat pagpintig ng vessel jewel at pilit nilalabanan ang kapangyarihan ko.Kahit na 80% ng kapangyarihan ang na hohold,may panahon paring lumulusot ang sobrang kapangyarihan. Napapaisip tuloy ako kung gaano na ako kalakas kung tatanggalin ko ang kapangyarihan ko.

"ang galing nun Shayle!"

"sus! kaya mo nga iyon Dri eh!"

Habang tumatagal ako dito,mas nagiging close din kami ni Drianna.Palagi kaming magkasama at magkatuwang sa iba't ibang bagay.Maraming beses niya na rin akong tinulungan para maka pasa sa mga lessons naming hindi ko nadaanan.

"gather everyone!"

Mabilis naman naming sinunod ang utos ng maestro.Nang makalapit na kami sa kaniya pinaupo niya muna kami sa lapag bago muling nagsalita.

"so...this will be the last day na magtuturo ako sa inyo"

Kaniya kaniyang react naman ang mga kaklase ko at pinaulanan ng mga tanong si Maestro.Pati nga rin ako nagulat,wala naman kasi siyang binanggit na ngayon na pala ang last day niya saamin.

"private reason..kaya dahil last day ko nang magturo ngayon,I want you to enhance your skills to my remaining days here at Gakuen Hoshii.I still have many things to do kaya sa friday pa talaga ang official na alis ko.Today is tuesday kaya I will you tge rest of my days para mag ensayo"

Paliwanag niya,may nagtaas naman nang kamay at nag tanong.

"ensayo po ba? for what?"

Kaniya kaniyang bulungan ang naririnig ko pero biglang natahimik ang lahat dahil sa sinabi ni Maestro.

"For the Magic Quest"

***

"Nakakapagod naman nang araw na to, buong araw ang ensayo"

"kaya nga eh!—gutom na gutom na ako pero kailangan pa nating mag ensayo—ayoko namang mapahiya sa ibang matataas na family!"

Nagbanlaw na ako matapos kong manabon sa buong katawan ko saka nagsimulang magbihis.Lunch time na ngayon at napag isipan naming mag lunch sa labas tutal pwedeng lumabas nang campus ngayong whole week.

"hindi naman natin kailangan maging malakas para sa kanila, kailangan nating lumakas para sa sarili natin"

"oo nga pero—still! nakakahiya pag hindi tayo pumasa!"

"kung sabagay"

Pagsuko saka nagsuklay ng buhok.Pinanindigan nga ni maestro ang sinabi niyang buong linggo kaming excuse for the Magic Quest.Ito kasi ang magsisilbing final grade namin for the 1st semester.Medyo napaaga nga lang kami ng dalawang linggo. Confident naman akong makakaya namin ang quest na ito dahil nakita ko na ang iba't ibang kakayahan ng bawat Chairo's,sadyang nahihiya lang silang magpakitang gilas sa ibang tao.

"Tara na—tumutunog na ang tiyan ko"

Tumango ako saka ipinasok sa locker ang bag ko.Malaki naman kasi ang locker namin,pwede ka na ngang pumasok habang nakatayo,medyo maluwag din ang espasyo. Kagaya ko, nakasuot lamang si Drianna ng shirt at jogging pants, ito lang kasi ang pinaka komportableng PE uniform na suotin. Yung isang set kasi ng PE, medyo lantad ang balat,shorts lang naman tsaka sando.

Naglakad na kami si Drianna paalis, hindi namin kasama si Sapphire ngayon dahil kinulong ko iyong sa kwarto.Napapadalas kasi ang paggala ng pusa ko iyon.Hindi pa kami nakakalayo nang may biglang humarang sa harapan namin. Kamuntikan pa nga akong mapairap nang mapagtantong si Mr.President Leo Richards, ulol na si Ethan Wong at ang weird na si Cassidee pala iyon.Wow! perfecr match.

"bakit?"

Walang paligoy ligoy na tanong ko,akala ko papatulan nila ang pangtataray ko pero nagulat nalang ako ng biglang ngumiti si Leo at may inabot saamin.

"we have extra two tickets para sa opening ng bagong pasyalan dito sa Moueshuff City.Maganda dun! wanna have fun with us?"

Napataas naman ako ng kilay saka sinipat ng tingin ang sinasabi niyang ticket.I don't get it...bakit sila nakikipag usap sa mga 'kagaya' namin,gayong nasa matataas naman silang Class.Do they need something from us?,pero...ano naman iyon?.

"What's with that surprise inviting thingy?,ano ba talagang kailangan niyo?"

Diretsang tanong ko,ngumiti naman si Leo pero nanatiling walang pakialam ang dalawa sa gilid.

"nothing..."

"eh gago—"

Hindi ko na natuloy ang sasabihin nang bigla akong siniko ng malakas ni Drianna.Nang tignan ko sya, pinanlakihan niya lang ako nang mata habang pekeng ngumingiti.Napabuntog hininga naman ako saka padabog na kinuha ang dalawang ticket.Buti na nga lang hindi mahigpit ang pagkakahawak nito dito,kundi punit na ito.

"fine"

Kung ano man ang kailangan nila, fine... sasakyan ko ang trip ng tatlong ito. Hindi naman siguro nila kami ipapahamak,kundi gasgas ang reputasyon nila.Ngingiti ngiti pang tumitig saakin si Leo,pero agad nabaling ang tingin ko kay Ethan at nahuli siyang nakatingin saakin—na agad din naman siyang umiwas.

"great! then, we'll see each other tomorrow?"

"bukas na pala iyon?"

Hindi mapigilang tanong ni Drianna, nasa kaniya ang atensyon namin kaya agad siyang yumuko at nahihiyang nagpaumanhin.Tumawa naman si Leo at ginulo ang buhok nito.

"it's ok kiddo...nothings wrong in asking"

"bakit bukas agad?"

"Tanungin mo sa may ari "

Pinukol ko nang masamang tingin si Ethan nang bigla nalang itong sumabat. Hindi ko siya kinakausap kaya wag siyang sasagot sagot.Narinig ko namang tumawa si Leo saka umakbay kay Cassidee, mukhang wala naman itong pakealam pero pasimpleng umirap.

"I'm not even asking you"

"So?"

"You just—"

"hepp!"

Pigil ni Leo saamin.Tumigil naman kasi saka sabay na bumaling sa kaniy.

"what?!"

"woah! chill!"

Nakataas ang dalawang kamay nito saka hinila sa harapan namin si Cassidee.Gaya nang dati, pocker face parin ito.Wala ba siyang ibang alam na emoticon?.

"Tanungin niyo nalang kay Cassidee kung bakit bukas!—maliit na bagay pinag aawayan niyo."

Sa sabay kaming tumingin kay Cassidee pero parang wala lang itong narinig.—wait,tanungin kay Cassidee, does that na...Sila ang may ari ng bagong pasyalan?! wow! rich kid!.

"ano na Cassidee? bakit nga ba bujas agad ang opening?"

Bumuntog hininga lang naman si Cassidee kasi kami inirapan.

"Dahil gusto ko"

"what a brat"

Dinig kong bulong ni Ethan,lumayo naman agad siya samin ni Drianna at kumapit sa kamay n Cassidee.They’re holding hands,are they in a relationship?.

"pano ba yan? bukas ah! kita tayo sa labas ng gate! bye!"

Huling sinabi niya bago umakbay kay Cassidee,mag tatanong pa sana ako nang bigla nalang silang nawala nang parang bula.They just teleport,I wonder kung sino ang may kakayahan nun sa kanila.

"Kain na tayo?"

Yaya ni Drianna, tumango naman ako saka kami nagsimulang maglakad.

***

Sorry kung hindi masyadong maganda,dinalian ko kasi,dahil umabot na ng goal. Thank you guys sa support! ∩__∩
-m4e

Laiphar: A Great Sorcerer (2016)Where stories live. Discover now