Chapter 34

7.5K 182 17
                                    

AN: After a long time nakapag update rin sa wakaaaas!!! ( ̄∀ ̄). Sorry po talaga kung napaka tagal nang update, na reformat po kasi phone ko kaya nawala ang mga drafts ko, (╥_╥) kailangan ko pa tuloy bumalik sa umpisa. Tsaka busy rin sa school, napaka hirap talaga pag first batch ka nang senior high, hindi pa fix ang mga schedules at lessons, nalilito tuloy kami (ToT). Sino mga senior high students ditoooo? Paramdam po kayo sa kin para madamayan niyo akoooo. (ಥ_ಥ). Anywaaaays, enjoy this update for now!.
-M4E

[Shayle]

Isang malalim na paghinga ang ginawa ko habang tinitignan ang mga nagkikintabang bumbilya sa loob nang Amusement Park. Nasa labas na kami ngayon nang compound, mula sa kinatatayuan ko ay kita ang kabuohan nang parke at di ko mapigilang mamangha.

Hindi naman kasi ako aware na ganito pala talaga kalaki ang Park. Hindi mo naman kasi mararamdaman sa loob dahil halos buong sulok ay may mga nakamamanghang mga bagay.

"Malapit nang dumilim, hindi pa ba tayo uuwi?"

Naiinis na tanong ko kay Wong saka siya ni lingon. Halos sampung metro ang layo namin sa isa't isa, kaya halos maningkit ang mga mata ko para makita lang ang ekspresyon niya. Natigil ang paglalaro nito sa maliliit na bato saka hinagis ang isa saakin, at dahil sadyang matalas ang reflexes ko mabilis ko itong nasalo at binato pabalik sa kaniya, and sadly nasalo din niya ito.

"tsk"

"Kapag nahanap na natin yung dalawa, aalis na tayo"

"dalawa? you mean... Richards and Dri? how about Cassidee?"

"tsk. she can handle herself?"

Nakakunot ang noo nito saka muling hinagis ang bato saakin, medyo malakas na ito kumpara nung nauna kaya mas pinili ko nalang iwasan ito kaysa saluhin. Nakita ko namang medyo nagulat siya pero agad din itong sumimangot at umupo sa isang bato.

" you are indeed a selfish person"

"selfish? am I?"

"yes, you are"

"ah... ok"

Unti unting umasim ang mukha ko dahil sa sobrang pikon. Sa isip ko'y paulit ulit ko na siyang pinag tatadyak at pina ulanan nang mga magic balls. Kung pwede lang sanang pumatay nang tao ngayon, kanina ko pa ginawa!.

" Wala akong patutunguhan sayo..."

Naiiritang sambit ko saka nagsimulang maglakad pabalik sa Academy, siya na rin ang nag sabing kaya na nila ang sarili nila, kaya panghahawakan ko ang sinabi niya. Hindi pa ako nakakalayo nang bigla niya akong tinawag at may inihagis na bagay saakin, mabuti nalang at mabilis ko itong nasalo.

"Ano to—? aba't—gago"

Takang tanong ko saka siya hinarap pero wala na akong nakitang pigura ni Wong. Hula ko'y gumamit siya nang teleportation para kaagad na maka alis, hindi ko man lang naramdaman ang pag alis niya.

Dahan dahan kong binuksan ang mga kamay ko at—
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"PUTRAGIS KA ETHAN WOOOOONG!"

***

[Drianna]

_(._.)_…

(='.'=)…uhh

﹋o﹋…errr

 ̄︿ ̄…hmm

(╥_╥)…...

Shaaaayle! asan ka na ba?!
Halos isang oras na akong hindi mapakali, ni hindi ko alam kung anong gagawin ko dito sa loob ng amusement park—I mean alam ko naman talaga ang gagawin ehh kasooo...
.
.
.
Hindi ko alam kung anong gagagawin! well... kasama ko lang naman ang isa sa pinaka matalino, pinaka sikat, pinaka malakas at ang Gakuen Hoshii's Supreme Student President na si Leo Richards!.

damn... nakaka intimidiate lang!.

"psst!"

Nanigas ako sa kinatatayuan ko at mahigpit na napakapit sa laylayan ng aking damit. Hindi ko alam kung anong gagawin ko pero imbis na isipin iyon kaagad kong hinarap si Leo-san.

"ah—b-bakit po?"

Nauutal kong tanong, nakatayo ako ngayon sa harapan niya habang pilit na ngumite. Nakataas lang ang kilay niya saka siya dahan dahang lumapit, ako naman ay parang nabato sa kinatatayuan.

"We should get going"

"h—huh?"

Naguguluhang sambit ko, umayos naman siya nang tayo at inilagay ang kamay sa may noo na para bang may hinahanap pero ang totoo'y sinusuri lang nito ang paligid. Ako naman ay parang tangang napatingin sa paligid at muntik nang atakihin sa puso nang bigla niya akong higitin at akbayan.

Hindi ako nakareact at tila hindi ko pa kayang kontrolin ang katawan ko dahil sa sobrang lapit namin sa isa't isa. Napakagat ako sa ibabang bahagi nang aking labi at wala sa sariling napa hawak sa nanginginit kong mukha.

"You know.... we should enjoy ourselves, tutal nandirito naman din tayo, why don't we just explore and let this alluring place takes away our problems kahit saglit lang"

He said and then he turned his head to face me which made my heart trembled and pump so hard and so fast as I  unconciously moved backward.

"what is..."

I murmured as I touched my chest to feel my crazy heart whos been pumping so fast, I can also feel my face burning. What is this unfamiliar feeling?, why do I feel...shy, uneasy, uncomfortable yet.... happy?.

"hmm? bakit Ms. Skywalker?, may problema ba?"

"h-ha?"

Wala sa sarili akong napatugon even though hindi ko narinig ang sinabi niya. Kumunot ang noo nito't inalis ang naka akbay na braso saakin, tumayo siya nang tuwid saka niya ako tinitigan ng matalim.

"I'm asking you if meron bang problema"

"ahh....w—wala naman"

Tugon ko at ngumite, hindi ko alam kung tama bang ngumite gayong pakeng ngite din naman ang napakita ko, sana nga lang di niya na lang pansinin.

Hindi siya tumugon at pinatitugan lang ako, medyo na ilang naman ako kaya hindi ko masyadong sinasalubong ang mga titig niya. Maya maya'y bigla itong ngumisi at maliksing itinaas ang isang kamay niyang naka kamao sabay sabing...

"Ja—ikou!"

*Well then— lets go!"*

---

Mina san! honto ni gomenasai (╥_╥). Ngayon ko lang po talaga natapos, tapos di pa gaanong kagandahan. Pagtsagaan niyo po muna. Sorry po talaga! -M4E

Laiphar: A Great Sorcerer (2016)Where stories live. Discover now