Chapter 23

9.1K 352 25
                                    

[WARNING: The story and the scenes are all fictional. Any similarities of the actual names, descriptions of the story are all coincidence only. Please do not mind all the wrong grammars and typos in this story. Edited version will be release as soon as this story completed. It'll need much time and effort so please wait patiently and please do not judge the authors work if you do not like it's plot and sequences, for all you know that nobody's perfect and so do I. Thank you for welcoming me in this site and continue being with me for the next years. Thankyou —M4E]

I wanna start a bet!
lets reach 2.5k for the next update! ano? game? ;)

---

[Shayle Oracle Oz]

Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwalang ang matandang babaeng kinatakutan ko kanina,ay siyang lola ni Drianna!,kaya naman pala siya nabiyayaan nang kapangyarihan,may dugong magicians pala talaga siya tulad nang kaniyang Lola.

Pababa kami ngayon sa basement nang store,ang bili lang nilang makababa samantalang ako ay nag iingat sa bawat hakbang ko.Napaka luma namab kasi nang bahay na'to! kahit pa sabihin ni Drianna na matibay ang mga ito.

"Hindi talaga iyan guguho Shayle!,matibay ang bahay ni lola kahit na sing tanda niya na-"

Mabilis na nakapag cast nang spell si lola Hilda at ginawang pusa si Drianna,nanlalaki pa ang mga mata ko habang nakatingin sa kaniyang niyayapos ang pusang si Dri.

"Magingat ka sa pananalita mo iha,pumapatol ako sa mas bata"

Naka ngising saad nito habang himashimas ang ulo nang pusa.Nakita ko namang nagpumiglas ang pusa kaya nakawala ito sa bisig nang matanda.

"Mga kabataan nga naman"

Hindi ako makagalaw,nakaupo lang ako sa isang pangkat nang hagdan habang naka kapit sa gilid,natatakot akong mahulog at higit sa lahat...

Natatakot akong maging hayop!

Halos lumukso ang puso ko nang biglang lumingon saakin ang matan-I mean,si Lola Hilda.Her smile gives me shivers at hindi ko maiwasang panindigan nang balahibo.

"Dalian mo na iha...o baka gusto mong gawin pa kitang pusa para makababa ka diyan?"

*

Madali kaming nakarating sa basement,dahil sa pagmamadali kong bumaba,takutin ba naman akong maging pusa.Madilim at malamig ang pasilyong dimadaanan namin,na para bang wala talagang lagusan ang madadaanan dito.Nakakatakot tumingin sa likod dahil puro itim nalang ang nakikita ko kaya dirediretso nalang akong tumingin.

Nakakabinging tahimik ang bumalot saamin at tanging tunog lang nang yapak at panghinga ang aking tanging naririnig.Idagdag mo pa dito ang mabilis at malakas na pintig nang aking puso.'saan na ba ito?',isip isip ko,kung hindi lang sana ginawang pusa ni Lola Hilda si Drianna,meron pa sana akong kausap ngayon,ni hindi ko nga napansing wala pala ang pusang si Dri dito eh.'san kaya yun nagpunta?'.

"Malapit na tayo"

Nabuhayan ako nang dugo sa sinabi ni Lola Hilda,kaya naman sumabay na ako sa paglalakad niya.Isang malaking pinto ang bumugad saamin,napaka luma na ito katylad nung bahay,para siyang vintage door kung titignan.

Lumapit doon si Lola Hinda at nag cast nang spell.Nakarinig ako nang malakas na 'click' na para bang biglang nag unlock ang pinto.Unti unti itong bumukas at kasabay nito ang paglabas nang puting usok sa may paanan namin.Napa awang ang bibig ko sa pagka mangha,this is totally a magic.

"meow"

Muntikan na akong mapasigaw nang biglang sumulpot out of nowhere ang isang pusa-no! si Dri ito!,dali dali ko siyang kinarga at niyapos.

Laiphar: A Great Sorcerer (2016)Where stories live. Discover now