Chapter 45

5.3K 175 11
                                    

An: Congrats! You've reached Chapter 45 pero hindi pa rin natatapos. Hahahaha XD ano ba talagang magandang ending?!..

***

[Shayle]

Hindi ko na mabilang kung ilang lunok na ng laway ang nagawa ko habang hinihintay ang pag tunog ng starting bell. I am so fucking nervous, halos lumukso na palabas ng ribcage ang puso ko. Magaling akong magpanggap kaya naman kung titignan ay parang walang epekto saakin ang napaka bigat na aura ni Ms. Endiva.

Mas nakadagdag pa ng nerbyos ko ay yung hindi ko man lang kilala itong si Ms Ediva. Ngayon ko lang narinig ang pangalan niya at higit sa lahat ngayon ko lang siya na nakita. I do not know what her capabilities are, kaya naman mas mahirap saaking simulan ang labang hindi ko alam kung ano ang kakayahan ng kalaban.

Hindi naman ito ang unang pagkakataong nakapaglaban ako, ang totoo niyan ay sinanay akong lumaban ng aking mga magulang. They are a great warriors, napaka galing nilang mandirigma at napaka striktong mentor. They taught me a lot sa pakikipaglaban. Now my problem is....my vessel jewel sa nga braso ko.

I gently caressed my arm covered with muscle band. It's been 3 long months simula nung lagyan ako nito and after that, hindi ko na muling nagamit ang kapangyarihan ko ng malaya. There's always a huge amount of energy, forcing my power not to release completely.

Nakaramdam ako nang biglaang pagbigat ng pagkiramdam kaya naman otomatiko akong napa backflip palayo sa dating kinatatayuan ko. The crowd cheered in unision thinking na natamaan ako ng atake ni Endiva, but when the smokes' gone and saw me standing far from my place before... agad silang natahimik at sabay sabay na nag 'boo'.

"BOOOOO!!!"

"COWARD BITCH!"

"BA'T KA UMILAG?! SALAGIN MO!"

Halos malaglag ang panga ko sa agarang reaction nila. Langya! Bakit sila ganyan?! Ba't parang pinagtutulungan nila ako?!. Napaka sama naman talaga. Napailing nalang ako sa mga naiisip at pilit binalewala ang mga masasakit na salitang binitawan nila. I never experience na maganito sa tanang buhay ko, ngayon lang.

I really don't belong in here...

I heard a soft laugh from my freaking opponent. There she is infront of me chuckling like an angel—bitch, nakakainis na ah. Hindi ko maiwasang pagtaasan siya ng kilay lalo na't parang minamaliit lang ako nito. I can't still determine kung anong kayang gawin niya tho.

"Ba't ka tumatawa? May nakakatawa ba?"

Naiinis na tanong ko sa kaniya, tumigil siya sa pagtawa't matamis akong nginitian. But I know there is something behind those smile, ngayon pa lang parang unti unti ko nang nakikita ang totoong siya. Mapanglinlang, tuso at mapanganib, tatlong bagay na makakapagsabing siya si Endiva. An angel face with a devil attitude, wala sa sariling akong napangisi ng dahil sa naiisip, tss... lame.

"I've been dying to know what's in your mind."

Nakangiteng saad niya pero mahahalata mo duon ang pagtitimpi at pagkainis. What a pretencious bitch...

"It's none of you business...bitch"

Nawala ang kaninay ngiteng nakapaskil sa kanyang mga labi, it turns into thin line, nanginginig pa ito na para bang nagpipigil at hindi nga ako nag kamali. Hindi na niya napigilan ang galit at basta nalang akong pinaulanan ni water spikes ng walang kahirap hirap, mabuti nalang at madali akong na alerto sa gagawin niya't nakapag cast ako ng spell para gumawa ng barrier.

Tumigil siya sa pagpapaulan ng water spikes kaya naman agad akong lumabas sa pinagtataguan ko. I was wondering how she can manage to float herself up while doing those stunts, it does takes a large amount of energy. Pero siguro ay nasanay na itong magpalabas ng ganung kalakas na enerhiya para mapagsabay ang dalawang bagay. I can do those stunts too pero mas maigi nang magdahan dahan ako, ayoko masyadong magpakitang gilas at baka mapagdiskitahan ako ng iba pagkatapos nitong labanan na ito.

Laiphar: A Great Sorcerer (2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon