Chapter 43

6.4K 186 20
                                    

An: Sore wa shibaraku shite iru!♡♡♡! *its been awhile!* Namiss na po kayo ni Drianna, Cassidee, Leo, Ethan at Shayle kaya ito na po ang comeback nila ngayong linggo!! Hahahaha ! XD sana po magustuhan niyo! PS. Please read Trust Fall :) thank you! :)

***

[Cassidee]

Mataman kong tinitigan ang bawat estudianteng nag e ensayo sa gitna nang field. Hindi naman kasi kasya ang lahat ng studiante sa isang gym tsaka may mga abilities din ang iba na mainam gawin sa labas. Bawat family ay may kanya kaniyang gym pero hindi sapat iyon para mamintina ang bawat estudianteng gustong mag ensayo. The wide field are free to everyone, ito lang ang nag iisang field nang school kaya ang lahat nang mga gustong mag ensayo sa labas ay dito lang maaaring magpunta.

Iba't ibang Family ang nakikita ko, from SS Class, SA Class Montague and Capulet—isang class lang ang hindi ko nababanggit dahil wala ni ani ano akong nakikita mula sa Family nila, the Chairos. Ito lang ata ang kauna unahang pagkakataong wala akong nakikitang ni isang taga Chairo sa labas, noon kasi ay parang wala itong pakialam sa Rank Quest, parang bang normal na araw lang ito sa kanila—maliban nalang sa mga gusto pang mag excel.

Sa pagmamasid ko, napansin ko ang isang tao sa medyo kalayuan nang field. Nasa itaas ito nang puno, naka upo sa sanga at naka sandig sa mismong puno. Nakasuot ito nang lumang PE Uniform at may hawak na libro—hindi ko matukoy kung tungkol saan ang libro. Sa pagmamasid ko dito, napansin kong hindi ito gumagalaw sa kinauupuan, nakapirmi lang ito na para bang natutulog—hula ko'y talagang natutulog ito roon. Hindi ko matukoy kung babae ba ito o lalaki dahil natatabunan nang sanga ang mukha nito. Dahil na curious ako, akmang magteteleport na ako nang marahang bumukas ang pinto.

Mabilis akong lumingon at tinignan ang taong pumasok sa silid. Nahinto naman ito sa paghakbang nang mapansin ang mataman kong pagtitig. Parang hinampas nang tambol ang dibdib ko nang mapagtanto kung sino ang taong katitigan ko ngayon, pakiramdam ko'y nagkabuhol buhol ang dila ko kaya di ko magawang makaimik ni maka likha nang ingay kaya sa huli'y ako na ang unang bumawi nang tingin at muling pinagmasdan ang tanawin sa labas.

Mukhang wala lang din naman sa kaniya ang nangyari dahil narinig ko siyang pumasok nang tuluyan sa silid. Sa di malamang dahilan ay tila napako ang paningin ko sa isang bagay na wala naman kabuluhan, tutok na tutok ako sa isang bagay pero ang pakiramdam koy nasa loob nang silid. Ewan ko ba, sa tuwing nandyan siya tila ba ako'y isang makahiyang tumitiklop pag nariyan siya.

"They are taking this seriously"

Muntik pa akong mapatalon sa gulat nang malamang nasa likuran ko lang pala siya. Pasimple akong tumingin sa kaniya at dahan dahang lumapit sa bintana, para narin makahinga nang maluwag.

"Hindi ba dapat nag eensayo ka rin ngayon?"

"...I was about to, may hinatid lang ako dito—babalik na rin ako ngayon... ikaw ba?, hindi ka pa ba aalis?"

"Mamaya pa..."

Tipid kong sagot at muling tinignan ang taas nang puno sa may kalayuan ng field. Nangunot ang noo ko nang mapansing wala na doon ang taong nakita ko, lumapit pa ako nang husto sa bintana at nagbabasakaling makitang muli ang taong yun pero wala na talaga.

"Daijoubo?"

*ok ka lang?*

Natauhan ako sa ginagawa at unti unting lumayo sa bintana. Hindi ko malaman kung totoo ba yung nakita ko o guni guni lang, wala naman akong nakitang espesyal dito pero heto ako't hinahanap hanap iyun.

"...d—daijoubo desu...Leo"

*a—ayos lang Leo*

Saad ko at nauna nang umalis. Weird.

***

[Shayle]

Maaga akong gumising at nag unat nang buto bago naghanda papunta sa event area. Naka tayo ako ngayon sa harap nang malaking salamin habang pinagmanasdan ang sariling repleksyon. Suot suot ko ang school uniform namin pero nakasuot ako ng black leggings under my skirt hanggang tuhod, may suot rin akong black fitted long sleeve  under my uniform, tinupi ko ang manggas nito hanggang siko. Hindi ko kasi alam kung anong klaseng labanan ang magaganap, baka kung anong makita saakin habang nakikipaglaban ako, ayokong madistract. Nakakainis din dahil wala kaming specific na damit para da event na ito.

Isang katok ang akingvnarinig bago napagpasyahang lumabas nang aking silid. Isang di mapakaling mukha ni Drianna ang unang bumugad saakin, hindi maayos ang pagkakasuot niya nang uniporme, gusot pa ito at di naka tali ang laso. Buhaghag din ang buhok nito't halatang puyat at kinakabahan.

Nagtataka ko siyang pinagmasdan mula ulo hanggang paa, hindi ko tuloy matukoy kung si Drianna ba talaga ito o hindi?.

"Dri?"

Hindi siguradong tanong ko, nag angat naman ito nang tingin at tipid akong nginitian. Nang makumpirma kong siya nga talaga yun, ay dali dali kong sinara ang pintuan ng aking silid at nagmamadaling nilapitan siya.

"Ayos ka lang?"

"Uh... oo, Shayle medyo...puyat lang"

Halata sa mukha nito ang kasinungalingan ngunit hindi ko na siya kwinestsyon pa, sabay kaming lumabas sa Dormitory at dumiretso sa Event Area. Marami rami na ang tao pagdating namin doon, halata sa mga mukha nang bawat studiante ang saya, excitement, takot at kaba. Karamihan sa mga nakikita ko sa paligid ay galing sa SA, SS, Capulet at Montague Family, madalang lang ang nakikita kong taga Chairong nakikisalamuha sa taga ibang Family, karamihan sa kanila ay nakaupo lang sa isang sulod.

Namamanghang inilibot ko ang aking paningin sa paligid, sa kauna unahang pagkakataong nakita ko na rin sa wakas ang Gakuen Hoshii's Arena. Napaka laki nito nito at napaka lawak, biluga ang disenyo, ang bleachers ay sa baba hanggang itaas, may malaking entablado sa gitna na hula koy doon gaganapin ang labanan. Wala itong ceiling kaya kitang kita mula sa kinatatayuan ko ang nakakasilaw na sinag ng araw, ngunit ang ipinag tataka ko ay hindi ko man lang maramdaman ang init na taglay nito.

"May ginamit silang mahika upang ma protektahan tayo sa init ng araw, yun nga lang ay dito lang sa Arena"

Biglaang saad ni Drianna sa gilid ko. Hindi na ako nagtataka dahil sa anim na buwang pamamalagi ko dito sa Academy, sanay na akong nababasa niya ang ekspresyon ng aking mukha.

Napahinto kami nang makarinig ng malalakas na tilian at hiyawan sa pasukan ng Arena, mula rito... kitang kita ko ang pagpasok nang  tatlong taong mula pa kanina'y hinahanap hanap ko. Hindi pa ako nakakabalik sa ulirat ay madali na akong nahablot ni Drianna at hinila papunta sa upuan ng taga Chairo.

Hindi tulad ng karamihan, napakatahimik nang ka Family ko. Halos lahat sila ay parang napilitan lang na makisali sa magaganap na Rank Quest. Kahit pala anong gawing pag eengganyo ng aming mga guro sa iba kong ka Family, hindi parin pala ito sapat upang magkaroon sila ng lakas ng loob upang lumaban.

"Magsisimula na..."

Bulong ni Drianna kasabay nito ang mas malakas na hiyawan at tilian ng halos puro  kababaihan. Rumagundong ang malakas na tunog ng tambol at musikang nakakapag engganyo sa bawat isa.

Nanindig ang balahibo ko sa magarbong tugtugin at malalakas na hiyawan ng mga estudiante. Nararamdaman kong unti unti akong nilalamon nag nerbiyos but I remained calm, nakaka kaba naman kasi ang pagka hayok nila sa labanan!. Halatang hindi na sila makapag hintay upang masaksihan ang pakikipag bunuan nang mga napapares. We don't have any idea kung sino ang makakalaban namin, hindi naman kasi kami ang pipini kundi ang computer. The computer itself was program to shuffle and choose two person para makipaglaban. At nagsimula na nga! Sa gitna ng arena baka tayo ang dalawang taong unang magbubunuan, pareho silang may taglay na malakas na enerhiyang dumadaloy  sa kanilang mga ugat. Walang bahid nang takot ang mga mukha at parang naiinip na dahil napatagal bago magsimo.

Umalingawngaw ang malakas na siren sa speakers kasabay nito ang hiyawan ng mga studiante. Ngumisi ang dalawang unang kalahok at sabay na pumwesto. Therefore I conclude, it was about to start!.

This is it!

***
HI guys! Pasensya na po kung matagal ~T_T~ di bale, malapit na ang vacation, baka marami akong mai a update hihihi :D.
-M4E

Laiphar: A Great Sorcerer (2016)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum