XI

33.4K 747 19
                                    

eto na po ang update...vote at comment naman po kayo....thanks

11

Ilang minuto ng nakaalis ang kotse ni Dylan pero nakatanga pa rin sa pinto si Sandy. Talaga bang friends na sila? As in ok na sila? Parang di siya makapaniwala, baka nananaginip lang siya. Kinurot niya ang sarili.

“Aray.” Wow! Friends na nga kami. Haiz!

Bakit parang ang saya saya niya. Iba rin pala talaga kapag nagging magkaibigan kayo ng kaaway mo…teka, bakit kaaway? Di naman sila magkaaway. Basta ang importante ok na sila.

Inikot niya ang mga mata sa apartment. Mukhang matagal na ngang walang nakatira, pero ang ganda pa rin. Fully furnished, wala siyang poproblemahin sa gamit. Iba talaga kapag mayaman ka. Kahit libre ang pagpapatira sa kanya ng pamilya ni Kaira, nangako pa rin siya sa sarili na magbabayad ng renta para rito, siyempre, nakakahiya  rin sa kaibigan, kahit pa nga di nito kailangan ng pera niya. Ayaw naman niyang abusuhin ito.

Nakangiti namang nagmamaneho si Dylan, naalala niya pa rin ang magandang mukha ni Shimmer. They are friends now, mas mabuti itong ganito kesa yung lagi silang nagbabangayan.  Excited siyang pumunta ng opisina. Kailangang tapusin ang dapat tapusin dahil meron silang dinner date ng dalaga.

Dinner date?

Natawa siya, dinner date ba ang tawag dun.

Maaga pa lang ay tapos na ang meeting ni Dylan sa isang kliyente. May pinapasubaybayan itong asawa na tingin niya ay nagloloko. Bakit ba puro ganito ang napupuntang kliyente sa kanila, uso ba ito ngayon?

Umuwi siya ng unit niya para makapagpalit. Ano ba ang dapat isuot? Natawa tuloy siya, ni hindi nga niya alam saan dadalhin ang dalaga, ano ba ang mga gusto nitong kainin. He just wore a gray polo shirt and jeans, hinanap niya ang paborito niyang sapatos.

Nagtaka siya ng may natanaw siyang kotse na nakaparada sa tapat ng apartment ni Shimmer. Mukhang kilala niya ito. Kay Alwin! Nandito ba ito ngayon? Parang bigla nainis siya.

Ilang katok lang naman ang nagawa niya bago siya napagbuksan, di ba siya naririnig ng kung sino mang mga tao sa loob. Nagmumukha na siyang tanga sa labas.

Madilim ang mukha ng mapagbuksan ni Sandy si Dylan, di naman kasi niya ito narinig agad dahil nasa kusina siya, may doorbell  naman kasi bakit di nito ginamit.

Loving A StrangerWhere stories live. Discover now