XIII

30.6K 662 9
                                    

13

Haiz! Kumusta naman ang story na ito teh?

***

Ang aga ni Dylan sa apartment niya, naka walking shorts lang ito, naka fuschia t-shirt, seldom siyang nakakakita ng lalaking ganun ang kulay ng t-shirt pero si Dylan, ang gwapo! 

"Hi." May dala itong pagkain, as usual. 


"Hi, pasok. Talagang tinotoo mo na pupunta ka ngayon ha."

"Yup, may isang salita ako." Then he gave her a smile,

Ang aga-aga kinikilig naman siya, nakakainis talaga, kagabi pa siya di makatulog ng maayos sa kakaisip sa lalaking ito, pagkatapos ngayon sisipot na may dala pang pagkain tapos ang gwapo gwapo! Haiz!

*****

After they ate, he started working with his layout. Natutuwang tinitignan lang ito ni Sandy, how can he be so cute with those paint brushes and also so masculine and so delicious...delicious? Namula siya nung maisip niya na ang lalaking ito na nasa harap niya ay siyang nakasama niya for a night way back years ago, shit! Ano bang nangyayari sa kanya.

“Pansin ko lang, bakit andami mong Hello Kitty stuff?”

“Mga collections ko. Yung iba nga di ko na dinisplay, di ko pa kasi naayos.”

“Ah, that explains.” Napangiti ito sa isang alaala.

“Explains what?”

“Nothing.”

“Kainis naman, sinabi mo na Dylan eh.” She hates it pag nabibitin siya.

“That explains, few years back, I saw you at the mall, I was so sure that it was you, you were buying a Hello Kitty stuff, then all of a sudden, nawala ka. Sinundan pa nga kita, but you just disappeared. Ikaw yun ano?” Aw! Bakit ba kailangang ipaalala ang nangyari.

She blushed!

“Ca-can we stop talking about it, Dylan? I’m not comfortable.”

Loving A StrangerWhere stories live. Discover now