26

28.3K 639 47
                                    

26

Pauwi na sila ng Nabunturan, at itong malokong Alwin na ito, ipinagtabi sila si Howard, kesyo mga gamit raw ang dapat na katabi nito at ayaw niya ng distorbo sa buong biyahe, eh panay naman ang chicka sa kanya. Si Howard kasi na katabi niya, wala yatang balak agsalita kung hindi mo tatanungin. Tahimik lang na nakaupo sa tabi niya.

“Sand, ipasyal mo naman kami ni Ho- Howard dito.”

“Sure. Pero let me remind you na simpleng buhay lang ang meron kami rito.”

Sinulyapan niya ang katabi. Wala yatang balak sumali sa usapan dahil nakapikit ang mga mata. Ngayon niya lang napansin na malalim pala ang pilat sa mukha nito, papunta sa leeg. Nakashades kaya hindi niya kita ang mga mata. Pero kasing haba rin kaya ni Dylan ang mga pilik mata niya? Bakit ba niya kinukumpara ang binata sa…nevermind.

Pero magkaboses sila, magkasing height. Di nga lang ganun kalaki ang katawan nito. Nasa ganun siyang pag-iisip ng biglang tumikhim si Alwin.

“Ehem. Baka matunaw na si Howard, Sandy.”

Namula siya. “Sira ulo!”

“Hala! Ang teacher di nag cucurse.”

“Nakakainis ka naman kasi. Bakit ba ang layo ng project na nakuha mo?” Gusto niyang baguhin ang topic. Tagumpay naman.

Loving A StrangerTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang