30

29.6K 629 16
                                    

30

Magang-maga ang mga mata niya nung magising, mabuti na lang at walang pasok, kung hindi malamang na aabsent siya. Tinaghali na rin siya ng gising.

Until now, she can’t believe what she had heard.

When she opened the door, she saw Howard, damn, Dylan. Nakaupo ito sa tabi ng lagayan niya ng mga tsinelas at sapatos, nakapikit, may bitbit na supot na alam niyang pagkain ang laman dahil sa amoy nito.

Kala mo makukuha mo ako sa ganyan ha. Biglang isinara niya ang pinto! Malakas, sinadyang magising ang kung sino man ang nasa labas.

“Shimmer.” Narinig niyang tawag nito, sabay katok sa pinto.

Manigas ka!

Di pa rin ito tumitigil. Bahala siya kung maririnig man siya ng mga kapitbahay o kung may makakakita man sa kanya. ANo bang pakiaalam niya?

“Sige, aalis na muna ako, babalik na lang ako mamaya, iiwan ko yung pagkain mo rito.” Narinig niyang sigaw nito.

Di siya sumagot. Anong akala niya, makukuha siya sa pagkain pagkain na yan?  Kanina nung nagising siya, nakita niyang ang daming missed calls sa kanyang cellphone, galing kay Alwin, kay Kaira, at kay Dylan aka Howard, may mga text messages rin, wala siyang nireplayan ni isa.

Masama pa rin ang loob niya sa bestfriend. Nalulungkot lang siya dahil nagawa nitong magsinungaling sa kanya.

Loving A StrangerDonde viven las historias. Descúbrelo ahora