22

26.9K 575 26
                                    

22

Apektado na ang trabaho ni Shimmer, ilang estudyante na ba ang nakapansin na lagi siyang malungkot, na lagi siyang tulala.

“Can I talk to you for a while Ms. Sandy?”

Si Ma’am Cajeres, ang school guidance counsellor. Naging kaibigan na rin naman niya ito. Napakabait at napaka sweet nito na talagang kapag may problema ka ay makaka open up ka sa kanya.

“Napapansin kong tulala at naging malungkutin ka lately Sandy, may problema ba? Baka gusto mong sabihin sa akin?”

Napangiti siya ng pilit. “I can do it Ma’am, don’t worry.”

“Iha, minsan kailangan din nating ilabas kung ano ang nasa loob natin, kailangan nating mag express, di naman ibig sabihin nun mahina na tayo. Tandaan mo, kaibigan mo ako, marami kami, kung kailangan m ng kausap, nandito lang kami.”

Bigla siyang napahagulgol ng iyak. Tama siya, matagal na niyang kinikimkim ito, di nga niya sinabi maging sa kaibigan niyang si Kaira na naguguilty dahil sa pinsan nito ang lalaking nanakit sa kanya.

Loving A StrangerWhere stories live. Discover now