simple ending :)

40.9K 1K 182
                                    

34

Ganun pala ang feeling kapag natuto kang magpatawad,ang gaan-gaan. Another part of the puzzle in her life was found. She wanted to ask for more. Nakalabas na sila sa hospital, and they were staying sa apartment ni Kaira. She also filed a vacation leave para mas makasama niya ng matagal ang kanyang ina.

“Nay, anong pangalan ng tatay ko?”

Napangiti ang nanay niya. “Ferdinand, anak. Napakabait niya, siguro ganun talaga ang buhay. Ang aga niyang kinuha sa atin, sa akin. Di ka pa naipapanganak nun. Nabaril siya ng taong nagtangkang kunin yung suweldo niya na pambili niya sana ng gamit mo.”

Ang dami rin talagang napagdaanan ng nanay niya. “Nung iwan kita, alam mo, durog na durog ang puso ko nun, pero wala akong magawa, ang sabi ko, babalikan kita, pero di ko na nagawa, sumama kasi ako sa kaibigan ko na mag trabaho sa abroad. Ang hirap ng mga napagdaanan ko anak, may mga among ang sasama talaga ng ugali.”

“kalimutan mo nay un, Nay.”

“Di ko magagawang kalimutan yun, anak, yung mga yun kasi ang nagpalakas sa loob ko, sa paniniwala ko sa Diyos, sa pag-asang makikita kita ulit.”

Niyakap niya ang ina. Yun ang naabutang eksena ng asawa nito at ni Dylan.

“How’s the two beautiful ladies?”

“Honey!”

Galing ang mga ito sa DFA, inasikaso ang mga papeles nila, uuwi na kasi ang mga ito sa States, kailangan kasi ng ina. Ang dali lang naman pala ng pagsasama nila.

“Don’t worry, Sandy. You can come anytime, ayusin lang natin yung papers mo ha, but I have a request before I leave.”

“Ano po yun?”

Tumingi ito kay Dylan.

“Gusto ko kayong Makita ni Dylan na ikakasal. Na ako ang maghahatid sa iyo sa altar.”

“Nay naman!” Nahiya siya, di naman kasi nila yun napag-uusapan ng nobyo. At nakakahiya kaya na siya ang maunang mag open ng topic.

Hinawakan ni Dylan ang kamay niya at pinisil ito. “Pag-uusapan po naming yan, Nay.”

“Kita mo na, naghihintay lang ng pagkakataon ang nobyo mo, ASAP iho ha.”

Loving A StrangerWhere stories live. Discover now