33

32.9K 618 28
                                    

33

Ang sweet lang talaga ng nobyo niya, walking distance lang ang school pero hatid sundo siya araw-araw. At walang late ha, ang aga pa ay nasa bahay na niya at pinagluluto na siya ng breakfast. Nasasanay na nga siya eh. Katulad ngayon na Sabado naman pero naligaw na naman sa bahay niya at nagkikikilos sa kusina.

“Ano na naman kasi yan, Dylan?” Inaantok pa siya.

“Matulog ka na muna ulit, Ma’am please, tapos gigisingin lang kita kapag luto na to.”

Talagang antok siya, tinapos niya kasi ang grades ng mga bata kagabi. So, talagang matutulog siya ulit. “Pasensiya na, Dylan ha, I’m really sleepy.”

“No problem, Shimmer. Gusto mo buhatin pa kita pabalik ng kama?” Tukso nito, which made her blush. May naalala kasi siya.

“Dylan.”

“Joke lang. Tulog na ulit, baby ha. I love you.”

“Love you too.”

Bumalik siya ulit ng kuwarto para matulog, sa antok na antok talaga siya. Ilang sandal pa nga at tulog na siya.

Di na ginising ni Dylan ang nobya, pwde naman sa tanghali ang niluto niya. Di naman mapapanis, iinitin na lang niya. Pinagmasdan niya ang nobya, ang ganda talaga. Kung pupuwede nga lang na hindi na ito maalis sa paningin niya. Kung alam lang ni Shimmer na halos mabaliw siya sa kakaisip rito nung nasa America pa siya, lalo na nung mabalitaan niya na may nanliligaw rito. Gustung-gusto na nitong bumalik ng Pilipinas nun, pero di pupuwede.

Loving A StrangerWhere stories live. Discover now