VI

44.2K 877 17
                                    

Pavote naman po dear readers or pacomment naman po if what is in your mind right now. pangit ba yung story? paramdam naman po....

Lucas Dylan's POV

Kanina pa kulit ng kulit sa kanya si Kaira. Darating raw ang bestfriend nito from Manila. Ito yung ipapakilala sana ng pinsan sa kanya nung pumunta siya sa Manila pero ilang beses ng naudlot.

Maya maya pa ay may narinig siyang kotseng paparating. Alam niyang kay Alwin ito. Siya dapat ang sumundo sa bisita ng pinsan pero dahil sa may kliyente siyang kinausap kaya si Alwin ang napakiusapan ni Kaira.

Sumilip siya mula sa bintana.

Mula rito ay malinaw niyang nakita ang mga dumating. Si Alwin na ang lapad ng ngiti. Natatakpan nito ang bagong dating. Mukhang may bagong object of attention na naman ang pinsan.

Kumunot ang mga kilay niya ng makita ang bestfriend ni Kaira. Hindi siya pwedeng magkamali. It was her!

"Damn!" agad siyang bumaba.para harapin ang bisita. Kailangan niyang makatiyak.

Mula sa likod ay tanaw niya si Sandy. Ang mga mata nito na parang mga pusa. Ang nunal sa tungki ng ilong. At mahabang buhok at balingkinitang katawan.

"Finally, I've meet the maid-of-honor!"

Kitang-kita niya kung paano lumaki ang mga mata ng dalaga habang ipinakikilala ito ni Kaira sa kanya. Bahagyang tinakasan ng kulay ang mga mukha nito.

Iniabot niya ang mga kamay upang makipagkamay. Napakalamig ng mga kamay ni Sandy.

then she fainted!

Mabilis na sinalo ito ni Alwin.

Hindi ba dapat siya dapat ang gagawa nun? Hindi si Alwin. Walang ibang dapat humawak sa dalaga kundi siya.

Pero wala na,buhat buhat na ito ng pinsan habang ipinasok sa guest room.

.......................................................

Sandy opened her eyes. Hindi pamilyar ang silid. Ano ba ang nangyari?

Tumingin siya sa paligid.

Si Kaira. Nag-aalala ang mukha nito.

"Sandy,Best. Are you alright?"

Oo nga pala, naalala na niya ang nagyari. Si stranger! pinsan ni Kaira. Bigla siyang napabangon.

"Careful, Sand." Si Alwin.

Inilibot niya ang mga mata sa silid. Wala si stranger. Ano nga ba ang pangalan niya? Lucas Dylan.

Siya na nga.

Bigla niyang naalala.

Loving A StrangerWhere stories live. Discover now