18

29.8K 809 72
                                    

18

Unang araw ng eskwela, kinakabahan rin si Sandy kahit papano, siyempre naman, ibang mga bata na naman ang makakaharap niya, ibang culture, siguro naman, mababait ang mapupunta sa section niya, fouth year section three kasi ang naassign sa kanya.

“Good morning class!” Masayang bati niya sa mga bata.

“Good morning Ma’am.”

“Please call me, Ma’am Sandy. I am Ms. Shimmer Sandira Aragon, Ma’am Sandy for short. I will be your adviser for this school year.” Isa-isa namang nagpakilala ang mga bata sa harapan. Pagkatapos ay may batang nagtaas ng kamay.

“ma’am, are you still single?” Napangiti siya, di na bago ang ganyang tanong sa kanya. Mamaya niyan, do you have boyfriend na.

“yes, I am.” Ngumiti siya sa binatilyo, nagblushed ito.

“Ma’am, wag ninyong pansinin yang si Nico, may crush lang yan sa inyo.” Biglang tinukso ang bata na ngayon ay pulang-pula na.

“Quiet, hindi na magandang biro yan. Alalahanin nyo, may Anti-Bullying Act na.”

“Sorry Ma’am.”

So far so good naman ang unang araw niya, nakakatuwa ang mga bata, mukha silang mababait.

Kaya di niya namalayan na uwian na pala, nung nakarating siya sa faculty room ay nakita niyang may mga text messages siya, isang galing kay Alwin, at isa kay Dylan.

Susunduin kita after work-Dylan

Kinabahan tuloy siya, makikita niya ang binata, pagkatapos siya nitong halikan, ang hirap yatang mag act normally sa harap niya.

Tuloy kabado siya nung lumabas, pero instead of Dylan, he saw Alwin.

Loving A StrangerWhere stories live. Discover now