SWK 1: Hangover!

344 8 0
                                    

GRAY’S POV

Hay nako! Ang sakit ng ulo ko. Bwisit naman eh. May pasok pa ako ngayon.

Yung mga kabarkada ko kasing sina Rex at Vin nagyayang magbarhopping kagabe. Ayun, wala akong nagaw. Majority eh!

Bumangon na ako sa kama ko. Narinig ko pang sumigaw ang aking magulang sa baba.

“Nak bangon na! diba may pasok ka pa ngayon? Nasa hapag na yung almusal mo ha! Pag may gusto ka sabihin mo lang kila manang. Siya, aalis na ako. Maaga yung meeting eh.” Sabi ni mama.

Narinig ko namang lumabas na siya at pinaandar na ang kotse.

Business na naman. Pumapangalawa lang naman ako pagdating sa business nila eh. Mayaman nga kami, kulang naman ako sa pagmamahal ng magulang.

Hay tama na nga ang mga drama!

Pumunta na akong banyo para maghilamos at magtoothbrush na rin.

Pagkatapos ko ay nagbihis na akong pangschool.

Pagbaba ko, may nakita nga akong pagkain sa hapag. Di naman ako nagugutom hinayaan ko na lang. bahala sila diyan.

Aalis na sana ako ng tawagin ako ni manang Cecil.

“Nak! Hindi ka na ba kakain?” tanong nito sa akin.
“Ah, hindi nap o. busog pa po ako.” Sabi ko naman sabay alis.

Habang papunta ako sa room, inalala ko yung mga nangyari kahapon nang nag barhopping kami.

-------------

“Uy pre, ayaw mo bang sumayaw?” sabi sa akin ni Rex na kakagaling lang sa dance floor.

“Kayo nalang, wala ako sa mood eh” sabi ko naman. Tinungga ko yung isang basong beer na iniinom ko.

“Bahala ka” sabi naman ni Vin na may kalandian pang babae. Si Rex naman, ayun pumunta nanaman sa dance floor at nakita kong may kahalikang babae.

Aba malupet to ah!

Habang nagsasayaqw sila, palinga linga pa rin ako sa paligid.

Marami ring mga babe na umaaligid sa akin pero tinanggihan ko lahat ang mga ito.

Mga around 1:00 am na ng nagsisilabasan na ang mga tao.

Konti na lang kami na nandito sa loob.

Andun parin sila Vin at Rex sa dancefloor. Natatawa nalang tuloy ako kapag nirereject sila ng mga babaeng kinukult nila.

Haha, karma na nila yun.

Medyo malabo na rin ang aking paningin nang dahil sa pagkalango na rin sa alak.

Tipsy na rin ako at medyo nahihilo na.

Tumingin ako sa bar counter. May isang lalaki akong nakita doon na siguro kaage lang din namin.

Medyo lasing na rin ito at Tanya ko, first time nitong uminom. Eh kalahating beer pa lang ang naiinum eh.

Pero, umiiyak siya. Basing basa na rin ang kanyang mga mata.

I felt sympathy in him. Nararamdaman ko na parang sobrang sawi niya.

Hindi ko natiis, lumapit ako sa kanya. Naramdaman naman niyang lumapit ako sa kanya kaya natigilan siya sa pagiyak.

“Hoy, sino ka! Alis ka nga rito, moment ko to eh!” sabi niya na umiiyak pa rin.

“Uh…bakit ka ba umiiyak?” tanong ko sa kanya. Tumingin naman ito sa akin.

“Wala ka na don!” sabi niya.

“Lovelife bay an? Kung lovelife yan, baka matulungan kita.” Sabi ko. Naks naman, lumalove advice daw oh!

“OO” sabi niya lang tapos umiyak nanaman siya.

“Nu bang nangyari?” sabi ko sa kanya. Kumuha ako ng stool at tumabi na ako sa kanya.

“Kasi si Hiro eh…” nagtaka naman ako, diba panglalaking pangalan yon?? Ayss! Uso naman yun ngayon eh pero saying tong isang to oh! Gwapo pa man din.

“Eh ano naman kay Hiro?” tanong ko ulit. “Kasi mahal na mahal ko yun eh, kaso inarrange siya sa fixed marriage ng mga magulang niya.tapos sabi ng parents niya kung hindi daw siya magpapakasal dun sa babae at makikipaghiwalay sa akin eh may mangyayari naman daw sakin na masama. Ayun, pumunta sila sa Japan,a-at kinasal” napayuko naman siya ng sabihin niya ang mga huling kataga.

“Alam mo kasi sa love, hindi lagging masaya. May kadugtong itong pain and risks. Alam mo kung bakit meron nito? Para matest yung trust ng isa’t-isa kasi kung alam naman nilang para sila sa isa’t isa, dapat nilang matutunan na maovercome this risks ang pain. Love is a matter of waiting over time. Kasi kailangan nating maghintay kung sila na talaga para sa isa’t-isa. Kaya dyan sa isyu mo? Wag kang magmukmok at magiiiyak kasi kailangan mo pa ring tanggapin ang fact na hindi na kayo, na married na siya ganun! Cheer up bro! kailangan lang nating magmove on ok?” whew haba non ha.

Nakita ko namang medyo umayos ng konti ang kanyang mukha.

O diba effective!

“Salamat…anung name mo uli?” sabi niya. Sasabihin ko na san yung name ko nang may humila sa akin.

Hinila nila ako palabas ng bar. Pagtingin ko, sila Rex at Vin pala.

“Oh, anung meron?” tanong ko sa dalawa. Yung dalawa naman hinahabol pa rin ang paghinga.

“Ka-si tong s-si Vin eh, nambos ayun hinabol k-ami” sabi ni Rex nahinahabol pa rin ang paghinga.

Naku pambihira talaga tong dalawang ito.

Di ko tuloy natanong yung name ng guy na kinausap ko.

-------------

Natatwa na lang ako pag naiisip koi yon pero hanggang ngayon iniisip ko pa rin name nung guy at kung saan siya nag-aaral.

Teka?? Ba’t ko naman siya iniisip!

Dumating na ako sa school namin. As usual, sinalubong nanaman ako ng dalawang ugok kong kaibigan.

“Pre, musta ang tulog niyo?” tanong ko sa dalawa.

“Ayos naman!” masiglang sabi ni Vin. Aba! Cheerful to ngayon ah. Bakit kaya?

“Ikaw lang, kasi may naikama kang babae na galing sa bar kagabi” sagot naman ni Rex. Lupet talaga nitong si Vin. Kaya pala biglang nawala kagabi eh.

“Hehehe…” napahawak naman sa batok si Vin.

Ayun, pumasok na kami sa school. As usual head turner nanaman kami. Tatlong gwapo ba naman ang dumaan eh sino talagang hindi makakatingin.

Meron nga kaming fans club eh. Ang pangalan, The Three Hunks.

After ng mga fansigning sa mga fans eh pumasok na kami sa room.
 

Someday We'll Know [BoyXBoy] (ONGOING)Where stories live. Discover now