SWK 11: Ayoko na!!!!

120 6 0
                                    

Hello Guysss!!

Gusto ko lang magpasalamat dahil sa mga nagbabasa nito kahit na, I dont know, isang buwan na ata akong hindi nakakapag update neto eh. Nagpakasaya po kasi sa bakasyon, hehe.

As for now, 28 palang po ang nagbabasa. Pero gagawin ko po ang lahat para hindi masayang ang mga reads ng beloved 28 kong yan. Salamat talaga, mahal ko kayo. DRAMA! Char!

P.S.
Di ba po sinabi kong "BAKA" may book 2 pa po ito? Well, confirmed na na may book 2 ito. Hehe yun lang. Andame ko nang nasabi. Sige na basa na.

--------------------------------

"This love has taken it's toll on me"

MELODY'S POV

(Ay, taray ng lola niyo!! May POV for the first time! Haha.)

I was somehow shocked ng malaman kong may ligawan effect pala sa pagitan nila Gray at my dear bff na si Ysrel. Nakakaloka!

I didn't expect it. Isang hot na hot na kasing  init na ng araw, ahy hinde joke!, na si fafa Gray ay magkakagusto kay Ysrel bestie!

Well, alam kong hindi bakla yang kaibigan ko. Kasi since elementary eh bff ko na yan at wala naman daw akong nakikitang kabklaan na kinikilos niya except doon sa nagkarelasyon grande sya kay fafa Hiro.

Pero kinuwento naman niya sa akin ang lahat eh kung bakit siya nagkarelasyon ng lalaki. At sabi pa niya, Hiro is the last guy that I will be inloved for! Tarush!! Umeengles si ateng!

Tinatanong niyo ba kung bakit hindi ako nahumaling sa katawan at fezlaloo ng bff ko? Gwapo siya, at hubog ang katawan but he's not my type, you know! Except, except except si...... wag na, baka mashowbiz.

Tingnan nalang natin bestie ha! Alam kong sincere yang si Gray.

At ngayon nga ay andito kami sa may mini garden ng school at nagkukuwento siya tungkol nga sa kanila ni Gray.

"So ayun, dun kami nagkakilala." sabi niya. Kinuwento niya yung meeting place nila.

"Ah, okay!" nasabi ko na lang.

"Hoy, pero ikaw ha! Bakit ka natameme nung ipinakilala ko sayo si Rex, ha?" hala! ano to? Q & A?

"Well, kasi...kasi...ahihi" Nakatanggap tuloy ako ng batok.

"Aray ko naman!" sabi ko.

"Sabihin mo na kasi! Pabebe pa ang pota eh!" sabi ng bff ko.

"Eh type ko siya eh!" ayan na. Nagblublush na ako. My God kasi! Ysrel. May pagka chismoso karin pala. Ayoko ngang ipaalam sa madlang pipol eh.

"Type??" nagtataka naman niyang tanong.

"Oo, type ko siya. Kasi ang hot niya, parang watty chatacter lang na nerdy hunk. Siguro yummy yun. OMG! Ang gwapo niya pa! And yung katawan, my god! Nakakatunaw pag tiningnan mo. In short, type ko na talaga siya!" ayan ha! sinabi ko nang lahat.

Tiningnan ko ang katabi ko pero nakita kong wala na pala akong katabi!

Sa pinagupuan ni Ysrel may sticky note na nakalagay.

Ang nakasulat, "EWAN KO SAU!!!"

Aba! Punyeta! Nilayasan ako eh! Nagpapantasya ako dito tapos bila akong nilayasan! Nasaan ang hustisya! Nasaan!?

Anyways, mag switch na nga tayo ng POVs! Nakakabanas eh.

YSREL'S POV

As far as Im concerned, nilayasan ko ang punyatera kong kaibigang nagpapantasy sa katawan ni Rex.

Hinayaan ko na lang siya dun! Haha bahala siya dun no!

Andito na ako ngayon naglalakad papunta sa next class ko.

Grabe si Gray! Sineryoso nya talaga ang panliligaw niya ha. Ewan ko ba doon at nahulog siya sa akin.

Pero ikaw, nahuhulog ka na rin sa kanya diba?

Ewan ko ba? Yung nararamdaman ko kasi pag nandyan siya or pag nakikita ko siya eh yung naramdaman ko nung nakilala ko si Hiro.

Habang papunta ako sa room namin, biglang may humarang na tatlong kepapangit na babae sa akin.

"Hoy ikaw! Wag na wag mong subukang gayumahin si papa Gray sa amin at malilintikan ka talaga!" sabi nung parang lider. Dahil, hindi ko sila kilala eh pangalanan nalang natin silang Pugita,  Suso, at Bisugo. Hahaha! Para kasing ganun mga itsura nila eh.

"Oo nga!" sabi ni Suso.

"Wala kang karapatan!" sabi naman ni Bisugo.

Aba! Sino ba itong mga ito!? Ha! Mga ang kakapal ng mukha! Para namang kinaganda na nila yan.

"Ano bang sinasabi niyo ha!? Unang una, sa inyo na si Gray at hindi ko siya ginayuma. Pangalawa, ikaw suso, yang boses mo parang binasag na megaphone! At pangatlo, ikaw naman bisugo, subukan mo ring magsalamin minsan para naman makita mo yang mukha mo! Parang sinabugan ng harina yang pagmumukha mo! Mahiya naman kayo! Isa pa, kaibigan ko lang si Gray okay! No strings attached!" sabi kong ganyan at nilayasan na sila. Para kasing PNP checkpoint kung makaharang eh.

*********

Andito na ako ngayon sa loob ng kwarto ko at nakahiga. Kakauwi ko lang galing school.

Nakakapagod ngayong araw. Andaming nangyari.

Una, nagsimulang nanligaw si Gray. Pangalawa, ang daming tanong ni Melody. Pangatlo, eh yung tatlong subordinates ng dyosa ng kapangitan na humarang sa akin at sinabi ba namang layuan ko daw si Gray. Eh paano ko lalayuan eh in the first place, kaibigan ko yung tao!

Kaibigan? o Ka-ibigan?

Isa rin tong mind kong sali sali.

Oo na oo na!

Eh paano rin naman kasi Gray. Sa tuwing nakikita ka, nagiislow motion yung paligid. Tapos parang nasusuka ako na ewan na parang may kung ano sa tyan ko. Tapos paghinahawakan ko yung kamay mo eh para ka namang generator na nangunguryente. Tapos pag ngumingiti ka naman, para akong natatameme at nauutal.

Ganitong ganito rin ang nangyari ng ibigin ko si Hiro dati.

Pero hindi! Hindi dapat ako mafall sa kanya kasi babalik pa si Hiro!

Pero may kakaibang nararamdaman na rin ako kay Gray na hanggang ngayon eh hindi ko madecipher.

Arghh!! Ang gulo!

Pwede ba Gray tigilan mo na to!

Ayoko na!

---------------------

Update ko yan for today. Sinisuwerte lang na makapag UD ako kapag may wifi or pag sinipag akong mag UD. Kaya please understand my situation. Choss!! Haha

Ay, sa next chap nga pala, may patikim ng mga bagong characters in this story.

Someday We'll Know [BoyXBoy] (ONGOING)Where stories live. Discover now