SWK 9: The Camp Part 2 :3 #Confession

106 7 0
                                    

YSREL'S POV

Pagbukas niya nang pinto ay bumungad sa akin ang dalawang kama.

Sa isang kama, may nakahigang lalaki na medyo maganda ang katawan at may salamin pero parang pang nerd pero cool pa rin tignan. Gwapo rin. Nagbabasa siya ng libro.

Sa isa naman ay may nakaupong lalaki na parehas din ang katawan na abalang abala sa pagpipindot ng kanyang cellphone.

Pero iba siya dun sa may glasses eh. Naka brush up ang buhok, tapos may hikaw sa isang tenga. For short, medyo bad boy style.

Parang pare parehas naman sila ng katawan eh.

Nang nakita nila kami ay bigla silang tumayo.

"Uy pre, sino yan?" tanong nung medyo bad boy. Gwapo rin to ah.

"Ahh...guys ito pala si Ysrel, uhm...kaibigan ko!" pagpapakilala sa akin ni Gray sabay akbay sa akin. Nakita kong medyo napataas ang kilay nung may salamin. Bwisit kasi tong si Gray eh, pinapamula pa mukha ko!

"Okay..." sabi nung may glasses.

"Uhmm...Ysrel, siya pala si Rex. Siya yung pinakamatalino sa amin. Pero wag kang magpapalinlang dyan, chicboy din yan." tinuro ni Gray yung may glasses. "Gag*" sabi naman nung Rex at tumawa pa sila.

"Siya naman si Vin. Ang pinakamakulit sa amin. Siya rin yung bad boy sa amin at walang alam kundi mga babae." tinuro naman niya yung medyo bad boy nga.

"Wow nakakahiya naman sa yo ha! Hoy sino ba sa atin ang unang may naikama ha!" sabi ni Vin. Nagtawan naman sila. Okay medyo OP ako dito.

"Mga ulol!" sabi pa ni Gray.

"Nice to meet you!" sabay na sabi ni Vin at Rex. Nginitian ko na lang din sila.

Pagkatapos non ay bumalik na sila sa kani-kanilang gawain. Si Gray naman ay inilapag ang bag niya sa gilid ng isang kama.

Nilapitan ko siya.

"Uy bakit mo ako dinala dito?" pabulong na sabi ko sa kanya. Baka kasi kami marinig.

"Eh diba naghahanap ka ng room mo, di dito ka na lang. At least mababantayan pa kita." sabi niya pero di ko masyadong narinig yung huli niyang kataga kaya tinanong ko ulit siya.

"Huh?..." tanong ko.

"Wala wala, ang sabi ko mag-ayos ka na para makapaglunch na tayo." sagot naman niya at nagsimula nang mag ayos ng damit sa cabinet.

"Pero teka, kung dito ako matutulog, tapos dalawang kama lang ang nandito, eh sino naman ang katabi ko?" tanong ko. Eh nacurious ako eh.

"Hindi pwede si Rex at makulit yan matulog, hindi rin pwede si Vin kasi malakas yan maghilik, so no choice ka."

"Ah ok--- what??!" ano! Siya magiging katabi ko? Eh baka hindi naman ako makatulog niyan.

" Oh ano? Unless gusto mong maging katabi yang dalawang yan or gusto mong matulog sa sahig." sabi niya ulit. Ayoko ngang matulog sa sahig.

"Sige na nga!" at sinimulan ko nang mag-ayos ng gamit ko.

Pagkatapos ay pinatawag na kaming lahat sa dining area para sa aming lunch.

*******

Hay! Nakakapagod!

Ang dami naming ginawa ngayong first day pa lang ha! Grabe.

Nandyan yung mga races, mga games, mga spiritual thingies, at kung ano ano pa.

Ngayon nandito kami sa main hall at kakatapos lang naming magdinner.

May sasabihin daw si maam. About kasu sa Gender and Development ang topic namin.

********

"Okay, so bago tayo magtapos at matulog, sinong gustong magbahagi ng kani-kanilang kwento about sa life, sa family, friends, problems, and even lovelife. Kung may mga problema kayo, sabihin niyo lang at matutulungan namin kayo." sabi ni maam.

Medyo nasa bandang likod kami ni Melody. Sila Gray, Rex, at Vin ay nasa kabilang row naman. Pansin ko lang na walang salamin ngayon si Rex.

Marami rin ang nag share ng kanilang story. Karamihan about problems at lovelife. Marami rin ang nagiyakan.

"Okay last one! Isa na lang pwede na tayong matulog. Anyone?" saad ni maam.

Nagulat na lang ako nang nagtaas ng kamay si Gray. I wonder kung ano kaya sasabihin nito.

"Okay, Mr. Montemayor. Go on!"

"Uhm...gusto ko lang ishare yung taong kakikilala ko lang pero parang nagkakaroon na yata ako ng feelings sa kanya. Hindi ko sasabihin kung he or she siya. I don't care! Basta ang alam ko, gusto ko siya. No should I say mahal ko na yata siya. Uhmm...nandito po siya eh!" panimula niya.

Nagtilian naman yung mga babae. Hindi ako nagaassume ah! Pero parang natatamaan ako sa mga sinasabi niya.

"Basta ang alam ko lang, ipapaalam ko na sa kanya as soon as possible. Mahirap namang maagawan diba? Kung nakikinig ka, alam mo na sa sarili mo kung sina ka. Hehe" pagtatapos niya.

Nagtaka naman ako. Sino naman kaya yun?

********

Pagpasok sa kwarto eh naabutan kong tulog na sina Vin at Rex. Nagpahangin kasi muna ako sa labas. Natawa naman ako sa mga sleeping positions nila. Ang kukulit kasi eh.

Patulog na ako nang biglang tumunog ang mumurahin kong myphone. Pagtingin ko sa number ay si Gray pala. Binasa ko yung text niya.

"Punta ka dito sa labas. Usap tayo. May sasabihin lang ako. Nandito ako sa may beach sa tabi ng isang malaking bato."

Sinunod ko naman yung text niya. Nakita ko nga siya sa may beach. Nakaupo siya sa tabi nga ng malaking bato. Nakaharap siya sa may dagat at sa bilog na buwan.

Lumapit ako sa kanya at ginulat siya.

"Boooo!" paggulat ko sa kanya.

"Uy, buti naman nakapunta ka." hindi man lang siya nagulat.

Awkward silence........

"Ang ganda nang buwan no?" sabi niya nang nakangiti then humarap siya sa akin. Ayan na naman yung butterflies-in-stomach feeling. Hay nako Gray! Ano bang nangyayari sa akin?

"Ano nga pala sasabihin mo?"

"Uhm...alam mo naman na kakakilala lang natin diba?" tumango lang ako.

"Dati kasi hindi ako naniniwala sa love at first sight eh. Ngayon, simula nang makilala kita, naniniwala na ako." sabi niya.

Nakakalito! Ano bang sinasabi nito?

"Huh?" sabi ko.

"Alam mo kasi Ysrel, I know na parehas tayong lalaki at medyo weird na maramdaman ito ng lalaki sa isang lalaki eh, pero sa tingin ko gusto na kita, no no no, should I say mahal na kita. Pwede ba kitang ligawan?"

To be continued.....

Someday We'll Know [BoyXBoy] (ONGOING)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant