SWK 7: #Weird Feelings...

139 6 0
                                    


GRAY'S POV

Sa wakas, nakapagpahinga na rin. Nakakapagod yung game kanina lalo na at magagaling yung mga kalaban namin.

Kaya eto ako ngayon, haggardong haggardo na.

Nga pala kakahatid ko lang kay...anu na uli pangalan nung cute na lalaki kanina?

Teka, ano sinabi ko CUTE?? Erase, erase...

Ayun!! Ysrel, oo Ysrel Velasquez...

Basta ang cute niya kasi kanina. Ewan ko ba, kung bakit kasi pag lumalapit yung lalaking yun eh natetemp akong halikan siya.

Tapos, slow mo pa... O diba ang weird.

Then pag hinahawakan ko na siya, para akong nakakaramdam ng static electricity sa katawan ko.

Kanina nga parang ang pale ng katawan ko. Para bang hapung-hapo ako, tapos nung nakita ko na siya para bang ginanahan tuloy ako kaninang maglaro.

At kung anu-ano pang nararamdaman ko kapag kasama ko siya.

Ang weird nga eh at bakit sa kanya ko pa yun nararamdaman.

Sinabi ko nga na hindi ako bakla at hinding hindi ako papatol sa lalaki.

Eh bakit ganyan yung nararamdaman mo kung hindi ka pumapatol sa lalaki...

Sabi ng isang banda ng isip ko.

Aba! Sabatero!

Eh basta! Kung ganun nga itong nararamdaman ko, kailangan ko muna itong icheck kung tama nga ito.

Argghh!! Ano ba kasi Ysrel! Simula nang dumating ka, naging ganto na tong nararamdaman ko!

Anong ginagawa mo!

YSREL'S POV

Hay nako! Di ako makaget over kanina.

Alam niyo ba talagang hinatid niya ako dito kanina!

As in hanggang dito sa loob ng bahay! O diba! Ganito kasi nangyari nun...

-------

"So, tara na?" at hinawakan na niya yung kamay ko.

Grabe, sa hawak lang na yun para na akong nakahawak ng outlet eh.

Para akong nakaramdam ng static, alam niyo yun?

So ayun nga, hinatid na niya ako.

Tutal naman daw at parehas kami na nakatira sa iisang subdivision eh ayos lang daw na ihatid na niya ako.

Marami kaming napagkwentuhan, katulad na lang ng buhay niya, mga "kagaguhan" niya.

Until dumating kami sa point na napagusapan namin yung buhay ko at lovelife...

"So Ysrel, totoo ba lahat ng sinabi mo nung nasa bar tayo? You know about dun sa Hiro na yun?" tanong niya habang naglalakad.

Dahil sa mga sinabi niya, napatigil ako. Naalala ko na nanaman yung nangyari sa amin ni Hiro na until now eh di ko pa rin malimutan.

"Oh, ba't ka tumigil? May nasabi ba akong mali?" sabi ni Gray nang mapansin niyang tumigil ako sandali.

"Ah...wala, wala" at yun nga kinuwento ko yung mga nangyari sa akin at kay Hiro.

Sa pagkukuwento ko, di ko namalayan na umiiyak na pala ako.

Napansin naman agad iyon ni Gray. So lumapit siya sa akin.

As in humarap pa siya. Tapos lumapit siya sa akin, super lapit.

Then hinawakan niya face ko at pinunasan yung mga kumawalang luha ko.

"Okay lang yan. Basta tatandaan mo ha, na kailangan mo palaging maging malakas at keep this in mind na andito rin ako...para sa 'yo." wala na, wala na talaga akong naramdaman ngayon.

Para bang namanhid at na froze yung katawan ko sa pagkakasabi niya nang mga katagang yun.

"...para sa iyo"

"...para sa iyo"

"...para sa iyo"

Paulit-ulit na nagpaplay sa utak ko yang mga lines na yan habang naglalakad na ulit kami pauwi na parang dvd lang.

Siyempre hindi ko maiwasang mag-assume. Ikaw ba naman na sabihan ng ganun diba?

Pero I need to confirm pa itong feelings...or should I say "weird feelings" na ito.

Kasi ayoko nito, ayokong masaktan muli.

And then yun, tinuloy na namin yung usapan namin hanggang makauwi ng bahay.

Kinalimutan naman na niya ata yung sinabi niya. Bipolar ata to eh.

At yun, nang makarating sa bahay eh hinatid niya pa ako hanggang sa mismong pinto.

"Okay ingat ka ha!" pamamaalam ko sa kanya.

Pero nagulat na lang ako sa sunod niyang ginawa.

Niyakap niya ako nang napakahigpit. As in mahigpit.

Eh ako naman nasa state of shock pa rin kumbaga. Hindi ko magalaw yung katawan ko. Para bang narugby ako sa kinatatayuan ko ngayon.

Then bumukas yung pinto at iniluwa si papa Andrew.

Siyempre nga hindi pa ako makagalaw.

Si papa naman gulat na gulat.

"Bye Ysrel, bukas ulit!" pagkasabi niya noon eh tinanguan niya lang si papa then kumaripas na ng takbo. Aba loko!

"Ysrel, magusap tayo." nagulat naman daw ako nang biglang magsalita si papa.

Eto na. Paliwanag segment! Siyempre kinuwento ko lahat kasama na yung yakap na yun ni Gray.

Nang natapos na eh umakyat muna ako ng kwarto para makapagbihis.

-----

"KUYAAAA!!" sigaw ng magaling kong kapatid na nakapagbalik sa akin ng katinuan.

"Ano ba! Bakit ka sumisigaw?" tanong ko naman. " Eh kasi naman po eh kanina ko pa kayo tinatawag at kakain na, para naman kayong tanga dyan na ngumingiti-ngiti!" sabi niya naman.

"Oh eto na eto na!" pagkatapos nun ay nagbihis na ako ng pambahay then bumaba na.

****

First subject ngayon. May pinagkukuwentuhan naman kami ni Melody na walang kasing kulit.

Tinatanong niya ako kung ano daw ba nangyari kahapon samin ni Gray, sa kung gumamit naman daw ako ng protection...

Binatukan ko nga dumi ng isip eh. Biruin mo! Nakapag isip agad siya ng ganun!

Then dumating si maam.

"Okay class, before we start our lesson meron akong announcement sa inyo. Magkakaroon tayo ng camp/retreat bahala kayo kung anong gusto niyong tawa, sa Friday na yun kaya maghanda handa na kayo. Any questions!?"

"Diba maam Thursday po ngayon then bukas na po iyon??" tanong nang isa kong kaklase. Tahimik naman kaming nakikinig ni Melody.

"Eh kung ganun eh di bukas na nga! 8:00 am ay aalis na tayo. Walang magpapalate, kung malate kayo maiiwan  kayo ng bus. Sa Laguna natin ito gagawin. Isang resort iyon. May katanungan pa ba?"

"Ay maam! May kasama po ba kaming ibang section at kung may babayaran po ba kami?" yung isa kong kaklase.

"Yes may kasama kayo, Yung section B. At yes may babayaran din kayo but its just only for registration. Free na lahat yung iba. Yun lang. Okay we'll move to our topic today........"

Pagtatapos ni maam.

Bukas daw?

May kasama daw na ibang section?

Ano kayang section niya?

Someday We'll Know [BoyXBoy] (ONGOING)Where stories live. Discover now