SWK 2: All About Him

207 7 0
                                    


YSREL'S POV

First day ng moving on ko. Ayoko ng magmukmok sa kwarto.

At least sinabi naman sa kin ni Hiro na mahal niya ako at kung pwede pa ay babalikan pa niya ako.

Napakabait ni Hiro. Parang siya na talaga ang hahanap-hanapin ng mga babae kasi naman napakaperfect niya.

Gwapo, matalino, matangkad, sweet, caring, thoughtful, at marami pang iba.

Dahil sa mga karakteristiks niyang mga yun ay nailove ako sa kanya. Nagsimula iyon nung 3rd year pa lang kami.

Ngayon nga ay 4th year na ako, sinimulan niya ang panliligaw sa akin.

Sa mga nagtatanong, straight po ako. Sadyang nainlove lang ako sa isang Hiro Itoshina.

Si Hiro ay isang half Japanese, half Filipino. Mama niya ang Filipino at ang papa naman niya ay isang Japanese.

Dito rin kami sa school nagkakilala noon. At first nahihiya pa ako noon sa kanya. Pero nung tumagal na ay hindi na until nagkadevelopan na kami.

Hanggang sa naging boyfriend ko siya. Siyempre parehas kaming masaya dahil nalaman naming mahal namin ang isa't-isa.

Until one day, dumating yung papa niya galing Japan. Kasama nung papa niya yung isa sa mga major clients nila sa business.

Nagkaroon ng malaking utang ang Itoshina Corporation sa kumpanya nung client ng papa ni Hiro.

Kaya no choice kundi ifixed marriage si Hiro at Si Suzy, yung babaeng anak ng client nila.

Siyempre tutol kami ng tutol. Hindi namin tinigilan yung papa niya na magmakaawa na wag nalang si Hiro.

At dahil ayaw na ayaw sa akin ng papa ni Hiro binantaan niya ako na kung hindi ko hihiwalayan si Hiro ay mapapahamak daw ako pati pamilya ko.

Nalaman yun ni Hiro. Siyempre nagalit siya pero useless yun kasi wala naman siyang laban ssa papa niya eh.

Until one day, naglalakad ako sa papuntang school ng tambangan ako ng dalawang lalaking nakamotor saka ako binaril sa may hita at tagiliran.

Buti na lang may mga nakakita sa akin kundi matagla na akong patay. Hindi koi to kinuwento kay Hiro para hindi na siya mag-alala.

Pero yung isang tumulong pala sa akin ay isang kaibigan ni Hiro sa school. Kaya ayun, nalaman niya din.

Sinabi niya sa aking kailangan na niyang umalis papuntang Japan para hindi na daw ako masaktan. Sinabi niya rin na kung naayos na niya ang lahat ay babalik daw siya sa akin.

Siyempre umiyak ako ng umiyak kasi mawawala na siya for good.

Tapos nalaman kong one month na ang nakakalipas ng magpost yung Suzy sa FB account niya na may caption na "Finally married to Hiro Itoshina!" tapos nakapost siya doon na kasama si Hiro.

Parehas silang nakangiti. Pero may nakita ako sa mga mata ni Hiro na ayaw niya ng ganun. Siguro inaasahan niya pa ring makakabalik siya dito sa Pilipnas.

Dahil dun sa mga nakita ko, pumunta ako sa isang bar na malapit lang sa amin.

First time kong uminom noon.

Ininum ko lahat ng sama ng loob ko. Pero kalahating bote palang pala ng beer ang nalalagok ko pero lasing na ako.

Umiiyak ako noon nang may tumabi sa aking lalaki.

Kinausap niya ako kung may problema daw ba ako.

Siyempre sinabi kong umalis na siya. Feeling close eh!

Pero makulit ito eh. Sabi niya kung love daw ba iyon ay maybe mabibigyan daw niya ako ng advice.

So ayun, kinwento ko lahat sa kanya kung anong nangyari sa akin at sa amin ni Hiro.

Tapos sabi niya "Alam mo kasi sa love, hindi lagging masaya. May kadugtong itong pain and risks. Alam mo kung bakit meron nito? Para matest yung trust ng isa't-isa kasi kung alam naman nilang para sila sa isa't isa, dapat nilang matutunan na maovercome this risks ang pain. Love is a matter of waiting over time. Kasi kailangan nating maghintay kung sila na talaga para sa isa't-isa. Kaya dyan sa isyu mo? Wag kang magmukmok at magiiiyak kasi kailangan mo pa ring tanggapin ang fact na hindi na kayo, na married na siya ganun! Cheer up bro! kailangan lang nating magmove on ok?"

Nang dahil sa mga sinabi niya ay naliwanagan ako. Totoo naman lahat iyon. Siguro kailangan ko ng mag move on.

"Salamat...anu ng uli name mo??" sabi ko.

Sasabihin na sana niya ng may humila sa kanyang dalawang lalaki.

Ako naman naiwang tulala. Napansin kong gwapo rin siya.

Siyempre, gwapo rin ako.

Pagkatapos noon ay umuwi na ako sa amin. Tulog na lahat pati sila mama buti na lang ay may spare key ako palagi.
-----

Anyways, ako nga pala si Ysrel Velasquez, ako ay isang fourth year highschool student na.

Im 17 now and Im half Filipino, half Brazilian. Pero di ko kilala papa ko eh.

Iniwan na daw kami pagkatapos sabihin ni mama na buntis siya sa akin.

Si mama Yna, si Yves, ang bunso kong kapatid na 15 years old na, at si Papa Andrew, stepfather ko at papa ni Yves, lang ang mga kasama ko sa bahay.

Mahal na mahal ko si Papa kasi kahit di niya ako tunay na anak ay itinuring niya pa rin akong tunay na anak.

Tanggap niya rin na nagkaroon ako ng boyfriend pero sinabi ko naman sa kaya na straight ako.

Velasquez ang gamit ko habang Villareal naman sila mama, Yves at papa kasi daw para naman daw kahit na iniwan ako ng tunay kong papa ay narerespeto ko pa rin siya.

-------

Pumasok na akong school.

Di ko nasabi na transferee pala ako. Kalilipat rin kasi namin ng bahay eh.

Someday We'll Know [BoyXBoy] (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon