SWK 10: Ligawan Mode...

135 6 0
                                    

GRAY'S POV

(Guys heto po muna yung nangyari bago mag confess si Gray kay Ysrel...)

Pagkatapos namin mag meeting sa main hall at pagkatapos kong sabihin yung new inspiration ko, pumunta na ako sa villa.

Pero bago yun tinext ko muna sina Rex at Vin na magkita kita muna kami sa likod ng villa para makapag-usap muna kami.

Kanina pa kasi sila nagtatanong kung sino ba yung sinasabi kong gusto ko.

Alam niyo kasi, dati nung nakilala ko si Ysrel, iba na yung nararamdaman ko.

Para bang hindi ako kumpleto kung wala siya. Para bang hindi mabubuo yung araw ko kung hindi ko siya nakikita. Basta yung mga ganung bagay.

Then nung clinarify ko tong nararamdaman ko, confirmed! May gusto talaga ako kay Ysrel. Worst, mahal ko na siya 

Nagresearch kasi ako kung paano mo ba masasabi kung mahal mo na o gusto mo ying isang tao. Then lahat ng nasa internet nagmatch sa nararamdaman ko. Kaya ayun, naconfirm ko na nga.

At yung dalawa naman, takang taka. Hindi ko kasi sinasabi na may nararamdaman na ako kay Ysrel kaya nga nagsaad ako ng meeting ngayon. Malihim rin kasi ako sa kanila. Ang alam lang nilang "naging" karelasyon ko eh si Hazel nung second year kami. Eh blinack mail lang ako nun eh. Pero break na kami ngayon kasi di pala totoo yung mga sinasabi niya.

Pagkarating ko sa likod ng Villa eh nakita ko na agad yung dalawa.

"Bakit mo ba kami pinapunta dito? Siguraduhin mong may sense yan at inaantok na ako!" sabi agad ni Vin.

"Oo nga bro! Spill it out!" sabi naman ni Rex na wala palang salamin ngayon. Tinatanggal niya kasi pag gabi.

"Di ba gusto niyong malaman kung sina yung gusto kong babae?" panimula ko. Tumango naman silang dalawa.

"Actually kasi, hindi siya isang she. Isa siyang he. Si Ysrel..." sabi ko agad. Nagulat naman si Vin pero si Rex eh parang alam na agad yung sasabihin ko.

"Oh Rex, bakit parang di ka nagulat?" tanong ko. "Kasi kanina pa lang nung inakbayan mo siya eh alam ko ng gusto mo siya." Hay nako, ang talino talaga ni Rex.

"Seriously bro?" gulat na tanong ni Vin. "Yeah! Gusto ko lang sanang malaman kung payag kayo sa akin kung maging kami man ni Ysrel." tanong ko.

"Hay... Eh wala naman kaming magagawa bro eh. Buhay mo yan, Desisyon mo yan. Ang magagawa na lang namin eh suportahan ka eh." sabi naman ni Rex.

"Tama naman si Rex bro. Kung saan ka, dun din kami." sabi naman ni Vin. "Salamat mga bro. Actually sasabihin ko na sa kanya ngayong gabi eh."

"Goodluck!" sabay na sabi nung dalawa.

YSREL'S POV

Lunes na. Tapos na yung camp. Nandito ako ngayon sa kwarto ko. Nakahiga pa rin.

Ang aga aga pa kasi eh. 4:00 pa lang eh mga 7:00 pa pasok ko.

Hay...andaming nangyari noong weekend. Katulad nalang nang napakaraming activities.

Pero may isa talagang pangyayari na hindi talaga ako pinatulog at binabagabag pa rin ako hanggang ngayon.

********

"Mahal kita Ysrel. Pwede ba kitang ligawan?" tanong ni Gray

Boom!!

I was like this ==> O_O

Para bang bomba na sumabog sa harapan ko lahat ng sinabi niya. Nakakagulat naman kasi.

Parang inaabsorb pa lang nang utak ko lahat ng sinabi niya.

Kailangan ko na talagang maglinis ng tenga. Tama ba kasi yung narinig ko. Na mahal daw niya ako? Na liligawan niya daw ako?

"Uy natulala ka naman na dyan. Alam kong gwapo ako kaya wag ka nang tumitig sa akin okay?" kapal! Binatukan ko nga.

"Hehehe...ikaw kasi eh. Natulala ka na dyan  So ano? Payag ka na ba?" sabi niya.

"Pe-pero Gray! Iniisip mo ba yang desisyon mo! Alam mong masisira yang pangalan mo pag naging tayo at kung nalaman nilang may gusto ka sa isang lalaki!" saad ko naman. Syempre parehas kaming kawawa noh! Sa mata palang ng tao mali na eh.

"I dont f*cking care! Basta ang alam ko lang mahal kita. Wala akong pakialam sa ibang tao. Kung tawagin man akong bakla, okay lan! Basta ang importante, nagmamahalan tayo!" sabi niya naman. Sabaga may point siya. Wala namang pakialam yang nga ibang tao dyan kung may relasyon kami eh. Sadyang yung may mga makikitid lang ang utak.

"Si-sige..." sabi ko.

"Talaga! Pumapayag ka na!"

"Uso mag hintay!"

"Ahy okay..."

"Ang sabi ko pagiisipan ko palang!"

"Okay lang yun. Basta alam kong mamahalin mo rin ako. Sa gwapo kong to!" saad niya.

"Ang kapal mo talaga ano!"

"Hehehe..."

***********

Yan yung mga nangyari last weekend.

Bigla namang tumunog yung phone ko. Si Gray yung nakaregister.

"Good morning! Kain ka na! Lovelots :3 Mwah Mwah!"

Ang cute nung mwah mwah niya ano.

Naisipan kong bumangon na nang kama. Pumunta muna ako sa banyo upang gawin ang aking mga morning rituals ko. Then naligo at bumaba na.

*********

Naabutan ko si Melody na parang naghihintay sa may waiting shed sa harap ng school. Linapitan ko nga.

"Uy sinong hinihintay mo!" tanong ko nang makalapit na ako.

"Edi ikaw! Bruha to!" hay nako. Maganda ang gising neto kaya ganto siya ngayon.

Pumasok na kami sa school.

Nasa harap kami ng main building para sa unang klase namin nang biglang nagtilian yung mga nasa paligid namin.

Paglingon namin eh nakita ko si Vin, si Rex na may salamin na at si Gray na nakatago yung isang kamay sa likod.

"Hi Ysrel!" pagbungad ni Gray sa akin.

"Uhm...Hello din!" nginitian ko sila.

"Ay oo nga pala. Melody, this is Vin, Gray, and Rex! Guys this is Melody, Best friend ko." pagpapakilala ko sa kanila.

Napansin kong napako naman ang tingin ni Melody ka Rex. Si Rex naman ngiting ngiti kay Melody. Ahy! Love at first sight na ba ito?

Pero teka, ano bang ginagawa nitong tatlo?

"Ano bang ginagawa niyo?" tanong ko kay Gray.

"May ibibigay saba kasi ako sa iyo, eto oh!" at inabot niya yung Pikachu chibi na stuffed toy. Super cute!

Narinig ko naman na nagbubulong bulungan ying nasa paligid namin.

"Uy salamat! Nag-abala ka pa!"

"Wala yun. Diba sabi ko liligawan kita!" sabi ni Gray then nag wink! Ay may wink wink effect na siya ngayon ah.

"Hoy sabi ko pagiisipan ko, hindi pa ako pumapayag!" sabi ko naman.

"Parang ganun na rin iyon!"

"Ahy! Taray! May ligaw ligawan effect pala dito! Hoy Ysrel! Marami kang ikukuwento sa akin mamaya ha! Subukan mong hindi magkwento, isasampal ko sa iyo bilbil ko!" si Melody. Haay nagsalita rin.

Nagtawanan naman kaming lahat sa sinabi ni Melody.

Pagkatapos magpasalamat kay Gray ay pumunta na kami sa desired rooms namin for the first subject.

Someday We'll Know [BoyXBoy] (ONGOING)Where stories live. Discover now