SWK 14: Triple Trouble

167 5 2
                                    


"I knew you were trouble when you walked in..."

YSREL'S POV

Hindi pa rin ako makatulog ngayon dito sa kwarto ko. Tiningnan ko ang oras sa phone ko na nasa tabi lang ng kama ko.

1:23 am

Mag wa-one thirty na pala ng madaling araw. Buti na lang at sabado bukas. Walang pasok kaya ayos lang na late na akong magising.

Alam nyo kung bakit hindi pa rin ako makatulog?

Sa dalawang dahilan.

Una, ang aking long lost kababata na ngayon ko lang ulit nakita. Napaka wrong timing niya kasi eh. Ang sakit na nga ng ulo ko sa panliligaw ni Gray eh tapos dadagdag pa siya.

Pangalawa, hindi ko pa rin nakakausap si Gray eh. Syempre tao pa rin yun at nasasaktan. Nag-aalala rin naman kasi ako sa kanya kasi ngayon pa na may feelings na rin akong nadidiscover para kay Gray.

"Arghhhh!" sigaw ko pero mahina lang. Baka magising pa ang mga kapamilya ko madale pa ako dito.

Sumasakit lang ulo ko kakaisip sa mga ugok na yon eh.

Sa pagmumuni muni ko eh aksidente akong napatingin sa cabinet ko. Nakita ko ang isang teddy bear na bigay pa sa akin ng ex ko. Actually, hindi ko nga alam kung ex ko na talaga siya since wala pa nga kaming formal breakup.

Kamusta ka na ba Hiro?

Dahil hindi na rin naman ako makatulog eh bumaba muna ako.

Pagkababa ko deretso agad sa ref. Haha, nagugutom ako eh.

Kumuha ako ng sandwich at kinain ito. Habang kumakain ay umupo muna ako sa sofa.

Binuksan ko ang phone ko then inopen ang wifi.

Facebook muna ako pampaantok.

Nagbrowse lang ako ng latest posts sa news feed ko.

Like dito, comment dito, yan lang ang mga ginagawa ko. Kahit papaano eh nakakaantok rin pala.

Icloclose ko na sana ang facebook nang biglang may nogpop-up na chat head.

Tiningnan ko kung sino ito. Hay nako, isa sa mga kulugo. Hahaha!

Neil: 

Hey, gabing-gabi na oh! Bakit hindi ka pa natutulog?

Ako:

Eh kasi hindi pa ako makatulog. May iniisip lang.

Neil:

Asus!! Hindi mo pa aminin na ako ang iniisip mo ngayon. Haha! Gwapo ko kasi eh!

Ako:

Wow ah! Kilabutan ka sana sa mga sinasabi mo! Kapal mo! Atsaka FYI lang ha, hindi ikaw yung iniisip ko!

Neil:

Hahaha! Ikaw naman di ka naman mabiro!

Ako:

Tse! Sige na! Inaantok na ako! Mang-aasar ka lang naman eh!

Neil:

O sige na ngarod. Gudnyt! Sweet dreams! Mapaniginipan mo sana ako hahahaha!

Hindi ko na pinatagal ang convo namin at nag log out na ako ng facebook.

Sa wakas dinadalaw na ako ng antok. Umakyat na ako sa kwarto ko at diretsong humiga sa kama.

Makukuha ko na sana yung tulog ko ng bigla naman nag-ring ang phone ko. Sino nanaman ba itong bwisit na istorbo na to!?

Tiningnan ko ito at somehow eh naalis naman ang galit sa mukha ko ng nakita ko kung sino ang nakaregister sa phone ko.

Someday We'll Know [BoyXBoy] (ONGOING)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora